ISANG buwan na ang nakararaan nang ihayag ni Philippine Amusement Gaming Corporation (PAGCOR) Chair and CEO Andrea D. Domingo sa ICE Asia Digital 2020 virtual forum, na unti-unti nang papayagang magbukas ang mga land-based gaming operators.
Dapat daw ay sa buwan ng Hunyo. Pero pumapasok na tayo sa ikalawang linggo ng Hulyo, hindi pa rin nagbubukas ang land-based gaming operations ng PAGCOR kaya nakatengga pa rin ang libo-libo nilang empleyado habang namamayagpag ang mga dayuhang Philippine offshore gaming operators (POGO) at ang kanilang mga manggagawa.
Bukod sa POGOs and their foreign workers, nagbukas na rin ang malalaking casino sa Solaire, Okada, City of Dreams, at Resorts World.
Pero ang mga PAGCOR run casinos hanggang ngayon sarado pa rin?! Bakit?
Isang PAGCOR run casino ang nabalitaan natin na nagbukas kamakailan sa Maynila pero agad umanong pinahinto ni Yorme Isko.
At ‘yan ang hinaing ngayon ng mga PAGCOR run casino employees, kailan sila babalik sa kanilang trabaho?
Mahaba-habang panahon na nga naman ang kanilang ‘bakasyon’ dahil mula pa noong 17 Marso ay sinuspendi na ang kanilang operasyon at hanggang ngayon ay nakatengga pa rin sila.
Ang suspensiyon umano ay para sa kaligtasan ng mga empleyado at upang masawata ang pagkalat ng COVID-19.
Pero, anong petsa na nga?!
Ang sabi ay “to flatten the curve.” Na-flatten ba? Hindi ba’t sumisirit na tayo ngayon higit sa 50,000 ang bilang ng mga infected ng COVID-19?
Simple lang ang punto ng mga PAGCOR run casino employees, natengga sila noong mababa pa ang bilang ng may COVID-19.
Noon, klaro na ang kalaban ay COVID-19 lang. Pero dahil tumatagal na walang trabaho ang mga PAGCOR run casino employees — virus at gutom — ang kalaban ngayon.
At kung napapayagan mag-operate ang mga POGO, ang mga casino sa Solaire, Okada, City of Dreams, at Resorts World, bakit hindi ang mga PAGCOR run casino?
Madam Chair Andrea “Didi” Domingo, marami na pong sumisigaw ng ‘gutom’ sa mga empleyado ninyo.
May naisip na po ba kayong alternatibo kung paano maliligtas sa ‘gutom’ ang mga empleyado ninyo?
HELP!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap