Sunday , December 22 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Sikmurang kumakalam, kalusugang nakikipagpatintero kay kamatayan, at katarungang pinapaslang (May ligalig sa panahon ng pandemya)

 SA PANAHON ng pandemya, nasa gitna tayo ngayon ng mga daing, hinaing, takot, galit, at kawalang katiyakan.

Mapalad ang mga sabi nga ‘e establisado na dahil ang pangamba na lamang nila ay kung ‘dadapuan’ sila ng COVID-19, dahil mangangahulugan iyon ng malaking kabawasan sa kung anong yaman mayroon sila na ggastusin sa pagpapaospital.

Sa kabila noon, nginangatngat pa rin sila ng kawalang katiyakan dahil hindi sila sigurado kung makaliligtas sa ‘spikes’ ng kamatayan na ibinato ng COVID-19.

Kalam ng sikmura naman ang ikinababagabag ng mga magulang na nawalan ng trabaho, at nasa panahon na nagpapagatas pa ng maliliit na anak habang nag-aalaga ng mga magulang na senior citizens.

Mula sa umpisa ng pananalasa ng COVID-19, sila ang mga nasa sektor o saray ng lipunan na mas pipilliing mamatay sa COVID-19 kaysa mamatay nang dilat dahil sa gutom.

Pinakamasaklap ang naging kamatayan ni Assistant City Prosecutor Jovencio Senados, 62 anyos, ng Manila City Prosecutor’s Office, kahapon.

Isang responsableng piskal na piniling mag-report araw-araw sa kanyang tanggapan dahil siya ay Chief Inquest Prosecutor at naniniwalang ang pagkaantala ng kanyang kilos, aksiyon o desisyon ay katumbas ng pagkaantala ng katarungan sa magkabilang panig.

Nguinit isang umaga pala ay sasalubungin ng mga naghahabulan at nagbabagang bala na naglagos sa kanyang katawan at umutas ng nag-iisang buhay.

Kaya nga marami ang nagtatanong, pinaslang kaya si Senados ng mga matatawag nating hired killers? Kung bakit? Hanggang ngayon ay wala pang nakaaalam.

Sinadyang ikahon sa kasinungalingan ang ‘crime scene’ ni Senados.

Isang Montero na sport utility vehicle (SUV) ang sinakyan ng mga killer pero nang i-check ang plakang taglay nito, ibang kotse pala ang nagmamay-ari niyon.

Pangkaraniwang taktikang panligaw ng mga killer.

Si Senados ay ika-50 alagad ng katarungan na pinaslang sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Naganap ang pagpaslang kay Senados, sa panahon na naaresto ang itinurong ‘utak’ ng brutal na pagpaslang sa isang lady driver na kinilalang si Jang Lucero sa Laguna.

At bago ang pamamaslang kay Lucero mainit na pinag-uusapan ang pagpaslang sa apat na intelligence agents ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ng siyam na kagawad ng Philippine National Police (PNP) sa Sulu.

Naganap ang mga krimen na ‘yan sa panahon na ‘nginangarag’ ang buong bansa ng pahayag ng Palasyo na walang aagrabyadohin ang kaaaprobang Anti-Terrorism Act  na pangunahing inakda ni Senator Panfilo “Ping” Lacson.

Sa panahon din na pumapailanlang sa ere ang balitang 198 MRT-3 personnel ang positibo sa coronavirus at sa bilang na ‘yan ay 15 ang ticket sellers, tatlo ang train operators, dalawa ang control center personnel, isang nurse, habang ang 177 ay depot personnel.

Pero sa kabila niyan ay sasagutin tayo ni Presidential Spokesperson Harry shoque ‘este Roque ng, “Inaasahan naman po natin na kung kayo po’y sumakay ng MRT, siguro kami na po ang nananawagan, kung pupuwede po, kung kayo ay nagkaroon ng physical contact doon sa mga nagbebenta although meron po tayong polisiya na dapat no cash at minimum contact, pero kung kayo po’y somehow nagkaroon ng contact, e kayo na po ang mag-quarantine dahil hindi na po natin malalaman kung sino kayo.”

Wattafak?!

        ‘Yan ‘yung klase ng sagot na tipong gusto yata ng Palasyo ay makipaglaro tayo ng ‘patintero’ sa ‘patotot’ na si kamatayan.

Arayku!

Hindi natin personal na kakilala si Assistant City Prosecutor Jovencio Senados, pero hindi pa natin malilimutan ‘yung panahon na matapos niyang pagtimbang-timbangin ang asuntong ‘qualified theft’ laban sa mga opisyal ng National Press Club (NPC) ay nakita niyang estafa at hindi qualified theft ang nararapat na asunto.

Paglaon ay napatunayan sa hukuman na walang anomang interes, kahit anong uri ng ‘pagnanakaw’ ang mga opisyal noon ng NPC na pinamumunuan ni Roy Mabasa bilang Presidente. Nagdesisyon ang pamunuan noon ni Mabasa na iligtas ng Manansala Mural na nakapinta sa lawanit at mahabang panahon o deka-dekadang inu-ut-ot ng mga ‘anay.’

Iyon ang panahon na walang ibang pagpipilian, na kaysa panooring unti-unting nabubukbok hanggang mabura ang makasaysayang Manansala Mural, ay isalin ito sa mga taong nakauunawa ng sining at kung paano ito pangangalagaan kapalit ng halagang sumagip sa pagkakabaon sa utang ng NPC, sa konsumo sa tubig at koryente.

Sa kabila ng maraming pagbatikos, nanindigan si dating NPC president Roy Mabasa na wasto ang pasya ng kanyang pamunuan hanggang absuweltohin ng korte sa kasong estafa.

(By the way, nalaman na kaya ng katotong si Amor Virata kung saan napunta ang natirang P6 milyong pinagbentahan ng Manansala Mural?)

Bago mag-lockdown, nagpakita ng simpatiya si Senados (sa panahon ng pandemya) na ang mga naaresto sa minor violations ay hindi na kailangang pigilin sa kulungan.

Bilang chief inquest prosecutor, siya ang awtoridad na nag-aaproba para sa inquest resolutions, kabilang

ang Manila Pride protesters na pinawalan for “further investigation.”

Ganoon din na ang minor offenders ay hindi kailangan magtagal sa detensiyon.

At gaya nga ng binanggit natin, kahit senior citizen na siya, ay mas pinili niyang pumasok sa kanyang opisina (kahit manganib ang sariling kalusugan) upang  maiproseso ang mga naaresto sa panahon ng lockdown.

Bagamat malapit nang magretiro, naniniwala tayo na malaking kawalan si Senados sa piskalya.

Dahil kahit kailan ay hindi natin siya narinig na nag-dilly-dally sa mga kasong kanyang hinawakan.

Hindi siya katulad ng fixcal este fiscal (hindi si Senados) na nabalitaan nating dismiss na ang isang kaso ‘e bigla pang hinabol at isinampa pabor sa ‘kausap’ niyang complainant. Kung ano ang dahilan, ‘yung sangkot na piskal lamang ang maaaring tumugon.

        Ang sabi ‘e mukhang eksperto ang fixcal (hindi si Senados) na dapat tumugon, sa ganoong klase ng transaksiyones. Mabuti na lamang at naunsiyami ang kanyang pangarap na ‘karera’ sa Pasay City.

        Pero bakit ang isang gaya ni Senados ang kaya nilang paslangin?  Bakit hindi ang mga ‘fixcal’ na nagkakamal?

        Tsk tsk tsk…

        Sa pamilya ni Fiscal Senados, nais po naming ipaabot ang aming taos-pusong pakikiramay. Isa po kami sa naghahangad, humihiling at nananalangin na sana’y malutas agad ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kasong ito.

        Maraming salamat Fiscal Senados sa iyong tapat na paglilingkod sa tao at sa bayan.

        Isang makabuluhan at mapayapang paglalakbay pabalik sa Dakilang Pinagmulan.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *