Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kelot, kulong (Tumira ng bisikleta)

SA KULUNGAN bumagsak ng isang lalaki matapos magnakaw ng bisikleta sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang naarestong suspek na si Timothy Dangan, 24 anyos, tambay, residente sa Fortune St., Barangay Palasan, ng nasabing lungsod na nahaharap sa kasong robbery.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong 3:30 am, nang maganap ang pagnanakaw ng bisikleta sa harap ng bahay ng biktimang si John Ryan Morelos, 30 anyos, merchandizer, residente sa P. Caco, Barangay Isla.

Sinadya umano ng biktimang umihi sa harap ng bahay nang makita ang suspek habang pinuputol ang kadena na nakatali sa kanyang Japanese bicycle gamit ang bolt cutter.

Agad itong sinita at nilapitan ng biktima na kaagad sumakay sa bisikleta at tumakas patungong Poblacion. Polo dahilan upang magsisigaw para humingi ng tulong ang biktima habang hinahabol si Dangan.

Nakorner ang suspek ng nakihabol na mga istambay sa Polo Market at nabawi ang bisikleta na nagkakahalaga ng P3,000 at bag na naglalaman ng bolt cutter at grass cutter. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …