Sunday , December 22 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

USec. Lorraine Badoy karapat-dapat pa ba sa PCOO?

KUNG hindi tayo nagkakamali, si Undersecretary Lorraine Badoy ay nanunungkulan sa Presidential Communication Operations Office (PCOO), sa ilalim ng tanggapan ni Secretary Martin Andanar.

Kung hindi ulit tayo nagkakamali, supposedly, ang trabaho niya ay patampukin at itambol ang achievements at accomplishments ni Pangulong Rodrigo Duterte lalo ang mga proyektong may malaking naitutulong sa mga mamamayan.

Sa panahon ng pandemya, ang unang dapat gawin ni USec. Badoy ay maghatid ng magagandang balita sa mamamayan kung paano lumalaban sa pandemya ang pamahalaan.

Nang sa gayon ay maibsan ang diskontento ng mamamayan sa palpak na ayuda ng Social Amelioration Program (SAP) habang ‘nakakulong’ sa lockdown ang Metro Manila at ibang lugar sa bansa.

Nagresulta ang lockdown na ito bunsod ng pandemyang COVID-19, ng kawalan ng trabaho, pagkagutom, habang marami ang nasuong sa krisis pangkalusugan.

At sa gitna ng ganyang kalagayan, ang administrasyong Duterte ay nangangailangan ng mga ‘kakampi’ sa loob ng kanilang kampo lalo sa PCOO upang maipaabot sa sambayanan kung ano ang ginagawa ng pamahalaan upang abutin ang pinakamahihirap nating mga kababayan sa panahon ng krisis.

Pero hindi ganyan ang ginawa ni USec. Badoy.

Sa gitna ng pandemya, si Badoy ay nagmistulang ‘red-tagger’ dahil lahat ng mga pumupuna sa kapalpakan ng ilang ahensiya ng pamahalaan na namamahala sa Inter-Agency Task Force (IATF) ay binansagan niyang komunista.

Walang naging bukang-bibig si Badoy kundi bansagang  komunista ang mga organisasyon ng batayang sektor sa ating lipunan dahil Malaya nilang ipinahahayag ang pagpuna sa kapalpakan ng mga namumuno sa IATF at Department of Health (DOH).

Nakalulungkot na sa panahon ng pandemya, ay mayroong isang Communications official na walang mailabas sa bibig kundi salitang ‘komunista.’

Kulang na lang ‘e isisi sa mga tinatagurian niyang ‘komunista’ ang kabiguan ng pamahalaan na patagin ang kurbada ng pandemya.

Tingnan n’yo naman, imbes magdagdag ng kakampi ‘e ginagawan pa ng kaaway si Pangulong Digong.

Kung ganito ang asta ni USec. Badoy, palagay natin ‘e mas bagay siya sa tanggapan ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) o kaya ay sa tanggapan ni Secretary Hermogenes Esperon sa National Security Council (NSC), o kaya ay sa National Intelligence Coordinating  Agency (NICA).

E mukhang marami kang hawak na ‘dossier’ tungkol sa mga ‘komunista’ e ‘di riyan ka na magpaka-eksperto Madam Loraine?!

 Ano sa palagay ninyo, Secretary Andanar?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *