Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Sino ba talaga ang desentonado, si Dr. Tony Leachon o sina Duque at Roque?

KUMBAGA sa choral group, hindi talaga ‘unison’ ang tono nina Presidential Spokesperson  Harry Roque, Health Secretary  Francisco Duque III, at National Task Force COVID-19 adviser Dr. Antonio “Tony” Leachon.

        Nang tangkain nilang mag-iba-iba ng boses (tenor, alto, soprano at bass) hindi naging ‘harmonious’ ang kinalabasan. Kaya hayun, kung sino ‘yung pinakahiwalay ang tono, ‘yun ang sinabihan ng desentonado.

        Ang tatlo, sina Duque, Roque at Leachon ay magkakasama sa National Task Force Covid-19 na pinangungunahan ni Chief Implementer Secretary Carlito Galvez, Jr.

        Noong Lunes, sinabi Dr. Leachon sa panayam sa television na, “Health Secretary Francisco Duque III should “step up.”

Sinabihan din niya si Duque na “perhaps reflect, rest and recharge.”

‘Yan ay dahil naniniwala si Leachon na: “The DOH has lost focus in risk communication, priorities, data management and execution of plans.”

Dagdag ni Leachon sa panayam, “I feel it’s a constructive comment so that the health agency will shape up knowing this is not business as usual.”

Pero mukhang hindi nagagap ng kamalayan nina secretaries Duque and Roque ang mensahe ni Dr. Leachon.

        Katunayan, sinabihan umano ni Secretary Galvez si Dr. Leachon na hindi nagugustohan ng dalawang sho-QUEs (as in shorthaired DuQUE and RoQUE) ang pagpapahayag niya sa publiko ng kanyang puna sa mga sablay ng Department of Health (DOH).

        “My manner of communicating to the public that is truthful, transparent, open and straightforward may not be aligned with the communication strategy of the Palace. I think that is where we disagreed.”

        ‘Yun o! Klarong-klaro.

        Mukhang ‘yun ang ayaw ng dalawang sho-QUEs. Ayaw nilang mas may bibida pa sa kanila?!

        ‘Yun din kaya ang dahilan kung bakit biglang nawala si Secretary Karlo Nograles?      

        Sa totoo lang, hindi naman nag-iisa si Dr. Leachon sa kanyang obserbasyon na mukhang ‘kulelat’ sa buong Asya ang DOH kung paano ia-address nang may katotohanan ang laban natin sa COVID-19.

        Hindi natin alam kung seryoso ba si Duque na tapusin ang krisis na kinakaharap ng sambayanang Filipino dahil sa pandemyang COVID-19?!

        O nag-e-enjoy siya habag pinanonood ang sitwasyon ng mga naka-lockdown na mamamayan, frontliners na naliligo sa pawis habang suot ang PPE, mga magulang at kabataang nalilito dahil hindi alam kung ano ang magiging itsura ng pag-aaral ngayon.

At parang pinanonood lang niya ito na parang naglalaro lang ng video game.

        Kaya nga may tanong pa na honest to goodness ba ang datos na binabasa ni Undersecretary Maria Rosario Vergerie kapag humaharap siya on national television kung ano talaga ang status ng laban natin sa pandemya?

        E parang nagbabasa lang ng mga numerong walang buhay si Usec. Vergeire?!

         Sabi nga ng political analyst na si Dr. Clarita Carlos ng University if the Philippines (UP), “Parang wala silang strategy. Sa ibang bansa, ang mga decision maker ay viriologists, epidemiologists, dito retired military. Thank should tell you something…”
        Kaya siguro kumuha ng adviser na doktor si Secretary Galvez para maintindihan niya kung ano talaga ang nangyayari. Kaya lang nang mag-alboroto ang sho-QUEs, hayun, agad pinag-resign ni Galvez si Dr. Leachon.

        Ngayong wala na si Dr. Leachon sa National Task Force, mayroon pa kayang susulpot na magasalita nang totoo at sasabihin sa publilko kung ano ang tunay na status natin laban sa pandemyang COVID-19?

        Araw-araw, isa lang ang hinihiling natin, sana’y matapos na ang krisis na ito. At sana’y dumating na ang mga tamang tao na siyang lulutas sa pandemyang COVID-19.

        At sana’y ‘singilin’ din ang mga nagpabaya, nagpakaang-kaang, pakoya-koyakoy, nag-ala-tsambang solusyon na dahilan ng pagbubuwis ng buhay ng marami nating fronliners habang unti-unting humuhulagpos ang bilyon-bilyong kuwarta sa kabang-yaman ng bansa.

        Let’s keep our fingers crossed.             

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

 

 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *