Saturday , November 16 2024
Navotas

Buhangin sa tabing-dagat ng Navotas ‘ninakaw’

KALABOSO ang tatlo katao nang mahuling ‘nagnanakaw’ ng buhangin sa baybaying dagat sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.

 

Umabot sa 35 sako ng buhangin ang naipon ng mga suspek na kinilalang sina Fernando dela Cruz, 37 anyos; ang nakababatang kapatid na si Cesar, 26 anyos, kapwa mangingisda, at residente sa Sto. Domingo St.; at kapitbahay nilang si Joseph Guatno, 24 anyos, construction worker.

 

Batay sa ulat, dakong 2:00 am, nang mamataan ng mga nagpapatrolyang tauhan ng Integrated Advance Command Post (IACP) I, Navotas Water Cluster ng Maritime Police sa baybayin ng Barangay Tangos North.

 

Lumabas sa imbestigasyon ni P/SMSgt. Nemesio Garo II, bago mag-1:00 am ay sinimulan ng tatlo ang pagbubungkal ng buhangin sa baybaying dagat sa pag-aakalang wala nang magpapatrolyang tauhan ng Maritime Police.

 

Unang inamin ng tatlo kay P/SMSgt. Garo na ibebenta nila ang mga buhangin ngunit nang kinuhaan ng pahayag ay iniutos lamang umano sa kanila ang pagkuha ng buhangin na gagamitin sa isang construction site.

 

Nauna nang iniutos ni Navotas Fish Port Complex Maritime Police chief, Lt. Col. Melvin Laguros ang 24-oras na pagbabantay sa mga baybaying dagat ng lungsod upang matiyak na hindi makalulusot ang mga gumagawa ng ilegal na aktibidad.

 

Kasong paglabag sa Batas Pambansa 265 (An Act Prohibiting the Extraction of Gravel and Sand from Beaches) ang isasampa ng Maritime Police laban sa tatlo sa piskalya ng Navotas City. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *