Sunday , December 22 2024

Mayor’s permit tinanggal ng BIR sa listahan ng documentary requirements

MARAMING negosyante ang natuwa kahapon, matapos ihayag ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na pabibilisin nila ang registration process para sa mga negosyante sa pamamagitan ng pagtanggal sa Mayor’s Permit sa listahan ng mga rekesitos.

Pinagtibay ito ni Internal Revenue Commissioner Caesar Dulay sa inisyung Revenue Memorandum Circular 57-2020, na nagtapyas sa proseso saka nirebisa ang listahan ng documentary requirements sa business registration

Batay sa isinasaad ng circular, ang mayor’s permit ay tinanggal bilang mandatory requirements para sa rehistrasyon ng bagong negosyo, alinsunod sa BIR Citizen’s Charter.

Hindi umano ipoproseso ng BIR ang dokumento o transaksiyon kapag hindi kompleto ang dokumento.

Aba, malaking kaginhawaan po ‘yan.

Pero ang tanong, papayag po ba ang local government units (LGUs) sa ganitong iskema?! ‘Yung parang nabalewala na sila?

Lalo ‘yung LGUs (gaya ng Caloocan at Makati cities) na pinapayagan ang solong insurance company na solong pinagkukuhaan nila ng certificate?! At kapag walang insurance ‘e hindi mabibigyan ng mayor’s permit?

Sa totoo lang malaking kaluwagan ito. Pero ‘yan nga ‘e kung hindi aalma ang LGUs.

Pero iniulat ng BIR na ang paghahain ng annual income tax, na extended hanggang Hunyo 15,  ay maaari nang gawin sa pamamagitan ng  online through eBIR Forms and Electronic Filing and Payment System facilities.

Hinikayat na rin ng BIR ang paggamit ng electronic payment facilities gaya ng GCash and PayMaya.

Heto pa, “Due to the coronavirus pandemic and community quarantine measures, the BIR has also allowed taxpayers to file and pay their taxes in the Revenue District Office (RDO) nearest them, as opposed to the previous arrangement where they can transact only with their assigned RDOs.”

Sa ipinakitang sistema ng BIR, masasabi nating mukhang nais nilang bawasan ang burden ng mga negosyante?!

Harinawa!

Pero hindi natin alam kung ano ang magiging reaksiyon dito ng LGUs? 

Abangan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *