Sunday , December 22 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Mayor Isko P1-B inilaan para sa gadgets ng mga guro at estudyante (Sa blended learning ng DepEd)

GRABE talaga sa bilis kung umaksiyon si Yorme Isko.

        Mantakin ninyong gagastos siya ng P994 milyones o halos P1 bilyon para bumili ng 110,000 units ng tablet na ipamamahagi sa mga estudyante at mga guro para makaagapay sa programang “blending learning” ng Department of Education (DepEd).

        Ang 110,000 tablets ay ipamamahagi para sa Kinder to Grade 12 public school students, habang ang 11,000 laptops ay para sa 10,300 public school teachers. Kompiyansa si Mayor Isko sa kanyang public address kaya ibig sabihin siguradong-sigurado na ‘yan.

        Dapat talaga, ganyan kabilis umaksiyon ang isang local government chief executive. Hindi pakaang-kaang at hindi antay nang antay lang.  Lalo sa panahon na mabilis ang phasing ng mga pangyayari.

        Lalo na sa DepEd, hindi pa nga klaro ang pagtatasa at ebalwasyon sa ipinatupad na K-12 program heto at papasok na naman sa “blended learning.”

E paano kung hindi flexible ang isang LGU chief executive, ‘e ‘di panay angal at himutok lang ang gagawin niyan hanggang walang mangyari sa kanyang constituents lalo sa kanilang mga kabataang estudyante.

        Sabi ni Yorme, bibili ng 110,000 tablets para sa mga batang Maynila para walang gastos ang mga magulang at masiguro na lahat ng estudyante ay makalahok sa “blended learning” na ‘yan ng DepEd.

        “Ma’am, sir, mga teacher, ‘wag kayong mag-alala. May laptop kayong lahat. Bibili tayo ng 11,000 para sa lahat,” ‘yan naman ang assurance ni Yorme sa ating mga “mamser” o mga guro sa buong lungsod.

        Kaya ‘yung mga teacher, huwag na po kayong papatol sa mga hulugang laptop o five-six na pautang para makabili ng laptop — ibibigay na po ni Yorme ‘yan sa inyo.

        Hindi lang gadgets maging internet connectivity para sa mga estudyante at mga guro ay ilalaan ng lokal na pamahalaan ng Maynila.

“Nais kong ipabatid sa inyo, ‘yung 110,000 lahat ‘yun may sim card, lahat ‘yun buwan-buwan may load na 10 gigabite [data],” sabi ni Mayor Isko para sa estudyante.

        At sa mga guro, heto naman ang sabi niya — “Mga teacher, ‘wag kayong mag-alala. Bibili tayo ng Wi-fi connector… ng pocket Wi-fi, tapos may load din ‘yun. Nire-refill natin every month. Kaya wala rin [gastos] ‘yung mga teacher natin.”

        Kaya kapag inilarga ang “blended learning” scheme ng DepEd sa pamamagitan ng learning modules na ipadadala mga estudyante katulong ang paggamit ng television, radio, at internet bilang media of instruction, ‘e tiyak na hindi makukulelat ang mga batang Maynila.

        Gaya ng inihayag ng DepEd ang pagbubukas ng klase ay itinakda sa 24 Agosto ng kasalukuyang taon, habang ang remote enrolment ay nagsimula noong June 1.

        Hanggang sa kasalukuyan ay mahigpit ang utos ng palasyo — no face-to-face learning — dahil nananatili ang banta ng coronavirus. 

        Pero dahil nakahanda ang Maynila, no worries ang mga estudyante at teachers.

        Padayon Mayor Isko!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *