Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coco, sobra-sobra ang respeto sa pulisya; dialogo kay Albayalde, hiniling

HUMINGI ng paumanhin kamakailan si Coco Martin kay Philippine National Police Director General Oscar Albayalde gayundin sa buong pulisya kung hindi naging maganda ang dating ng action serye niyang FPJ’s Ang Probinsyano at ‘yung sinasabi nilang sumasama ang kanilang imahe.

Patunay dito ang post kamakailan ni Coco sa kanyang Instagram account. Aniya, ”Pasensya na po, humihingi ako ng paumanhin.”

Naniniwala akong hindi intensiyon ng Ang Probinsyano na maging negatibo ang tingin ng publiko sa pulisya dahil una pa ma’y isa si Coco sa nagpaganda ng imahe nila. Hindi ba’t maraming kabataan ang gustong maging pulis dahil kay Cardo Dalisay?

Totoo rin ang sinabi niyang naging katuwang nila ang PNP sa pagbuo ng kuwento ng Ang Probinsyano sa ilalim ng liderato ni Ronaldo ‘Bato’ dela Rosa. Kaya wala sa intensiyon nilang sirain ang imahe ng pulisya.

Giit nga ni Coco, ”Sa simula’t simula, sila ‘yung gumabay, sumuporta sa pagbuo ng ‘Ang Probinsyano.’ Siguro nagkataon lang na hindi nagkaroon ng pag-uusap. Siguro kasi lalo na ngayong tumatakbo na ng halos tatlong taong mahigit ang ‘Ang Probinsyaao.’ Siyempre bawat karakter, bawat kuwento nag-iiba-iba.”

Kaya nga hindi ipinag­wawalang bahala ni Coco ang reaksiyon ni Albayalde sa itinatakbong kuwento ng Ang Probinsyano na kurakot at tiwali ang mga pulis.

Inamin naman ni Coco na affected siya at hindi niya inakalang magkakaroon ng ganitong usapin.

Paliwanag pa ni Coco sa isang interbyu sa kanya, ”Ayaw kong maging one sided. Gusto kong lawakan ang pag-iisip ko. Gusto kong maging mas maging mapagkumbaba kaysa bigyang katwiran.”

Kaya naman humiling si Coco na makapag-usap sila ni Albayalde. ”Sana magkaroon kami ng pagkakataong makapag-usap at makapagtulungan sa kung ano man ang dapat gawin para sa ikaaayos ng lahat.

“Ayoko na sana palalimin pa (ang isyu) or what, pero sabi ko nga, para sa ikatatahimik at ikaaayos ng lahat, sana makapag-usap para maayos ‘yung mga bagay na hindi pagkakaunawaan.”

Giit pa ni Coco, ”Sobra ‘yung respeto ko sa kanila, sa ating mga pulisya, lalo na sa ating bagong PNP Chief, gusto ko personally makipag-usap sa kanila.”

Nagpahayag din naman si Albayalde ng pagnanais na makausap din ang team ng action serye.

Sa kabilang banda, ipinagtanggol naman ni Vice ang Ang Probinsyano sa pagsasabing malinis ang intensiyon ng action serye kaya umaasa siyang mabilis matatapos ang problema ukol dito.

Aniya nang makausap naming sa pagbubukas ng Vice Cosmetics sa Market Market, “Ang daming sumusuporta kay Coco at sa ‘Ang Probinsyano.’  Mahal na mahal ng buong Pilipinas ang ‘Ang Probinsyano.’ Kapit na kapit ang lahat ng bahay sa Pilipinas kaya ang dami nilang sandalan, ang daming kakampi niyan. Malinis naman ang intensiyon ng ‘Probinsyano’ kaya’t matatapos at matatapos ang problemang iyan ng madali lang.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Calvin at lola nito, gagawing endorser ni Vice ng kanyang Vice Cosmetics

Calvin at lola nito, gagawing endorser ni Vice ng kanyang Vice Cosmetics

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …