Wednesday , October 20 2021

Calvin at lola nito, gagawing endorser ni Vice ng kanyang Vice Cosmetics

ANIMO’y may rally o kampanya kahapon ng hapon sa Market Market dahil sa rami ng taong nag-abang sa pagdating ni Vice Ganda para sa

Pasinaya ng Vice Cosmetics flagship store.

Kahit kami’y nahirapang makapasok sa Vice Cosmetics store na matatagpuan sa ground flr ng Market Market.

Ani Vice, napili niya ang naturang lugar dahil, ”maganda itong puwestong ito, tapos malakas, pinag-aralan nila eh, malakas ‘yung area na ito.”

Masayang-masaya si Vice sa pagdating sa lugar dahil sa rami nga ng tao na naghintay sa pagdating niya. Hindi inalintana ng mga iyon ang nakatayo, makipagsiksikan ng ilang oras makita lang ng personal ang magaling na komedyante.

Sa ngayon, hindi pa naiisip ni Vice na ipapa-franchise ang cosmetic. Pero bukod sa mga lipstick, naglabas na rin sila noong November 15 ng bagong line para sa cheeks. ”Ito ‘yung blush on, contour, at high lighters. At maganda naman ang feedback at marami ang nagandahan  kasi light lang sila,”sambit ni Vice.

 

Target na maging international brand

Naikuwento pa ni Vice na malaki ang tulong sa Vice Cosmetics nina Maymay Entrata at KissesDelavin sa pagiging endorser ng kanyang produkto.

“Malaki talaga at ako mismo ang pumili kina Maymay at Kisses kasi noong naghahanap kami kung sino ang puwedeng mag-represent ng Vice Cosmestics, bukod sa akin, sila ang naisip ko.

“Kasi sila ang mukha ng mga kabataan ngayon, hindi ba? ‘Yung isang batang nanggaling sa isang payak na pamilya.Iisang batang nakakaluwag-luwag. Isang batang morena at isang maputi na Filipina. Kaya sila talaga ang perfect na mag-endorse nito.

“Sila ‘yung target namin.”

Bukod dito’y gusto munang makinabang ni Vice ang mga kapwa niya Pinoy sa kanyang produkto.”Gusto ko munang makinabang sa produkto naming ang mga Filipino. After nito, ‘pag na-enjoy ng mga Filipino, gusto ko namang mailabas sa ibang bansa, maging international brand na ang Vice cosmetics and were working on it.”

 

Vice Cosmetics, Ganda For All

Samantala, natanong si Vice kung ano ang maipapayo niya sa mga bibili ng lipstick sa kung anong tamang color ang gagamitin kapag magsisimba?

“Depende sa uri ng tao hindi ako puwedeng…kaya nag tagline naming sa Vice Cosmetics eh, ganda for all kasi lahat sila puwede. Kahit anong complexion mo, kahit anong kulay mo, anong uring tao ka, mayroong  shade para sa iyo.

“Iba-iba, may pang-maputi, may pang-maitim, morena, ‘yung ganoon.

“Marami silang pagpipilian. At saka mababait kasi ang kulay ng Vice  Cosmetics hindi nakatatakot, although may mga outrageous na limited na shades pero pangmababait na Filipina ito.”

At ang shades na ginagamit ni Vice kapag nakikipag-date.

“Alam mo ako talaga pinaglalaruan ko ang shades. Pinagsasama ko ang severe, ‘yung phenom, yung chukchak, hayabayabayu. Tatlo itong nailagay ko sa labi ko, isa ‘yung ginamit ko sa showtime tapos isa ‘yung papunta rito tapos bago ako bumaba ng kotse nagdagdag na naman ako.”

Kapag nagkikita naman sila ni Calvin Abueva, ang PBA cager na inili-link kay Vice at kaibigan niya, ang Severe lipstick ang gamit niya.

“Gusto niya ‘yung mapula. Kahit ‘yung kapatid niya nagli-lipstic din at saka ‘yung Phenom. Parang puso ko mapula may dugo pa siya.

At aminado si Vice na isa sa dahilan kaya maganda ang aura niya ngayon ay dahil kay Calvin gayundin ng kanyang lipstick.

“Isa siya sa nagpapaganda sa akin bukod sa make-up ng Vice Cosmetics.

“Baka nga gawin kong endorser si Calvin, ‘yung lola niya, ate niya, buong pamilya niya.

“Na-meet ko na ang Mommy niya at naka-Vice Cosmetics siya at nasabi sa akin nab ago ko pa siya (nanay) na-meet talagang ang lipstick ng Vice ang ginaggamit niya.

“Kaya nga ‘yung promise kong bibigyan ko sila ng isang box ng lipstick hindi ko pa naibibigay, ha haha,” pagtatapos ni Vice. 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Coco, sobra-sobra ang respeto sa pulisya; dialogo kay Albayalde, hiniling

Coco, sobra-sobra ang respeto sa pulisya; dialogo kay Albayalde, hiniling

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Jace Flores

JACE FLORES ITINANGGI NG GMA, ‘DI KONEKTADO SA NETWORK

HATAWANni Ed de Leon NAGPALABAS na ng isang official statement ang GMA Network, na si Reynaldo Flores, …

Cassy Legaspi, Beautederm, Rhea Tan

CASSY LEGASPI, SOBRANG NA-IN LOVE SA MGA PRODUKTO NG BEAUTÉDERM

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ng young actress na si Cassy Legaspi na sobrang happy …

Gretchen Barretto, Dominique Cojuangco, Michael Hearn

GRETCHEN MALUNGKOT NA EXCITED SA KASAL NG ANAK

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio INAMIN ni Gretchen Barretto na hindi pa rin siya makapaniwala hanggang ngayon …

Blind Item gay sex

AKTOR WALANG TAKOT MAKIPAG-SEX BASTA MAY BAYAD

INAAMIN naman daw ng bi-sexual na male star na kuntento siya sa naging fling nila ng isang male star na …

Jomari Yllana, Abby Viduya, Priscilla Almeda

JOMARI YLLANA MARAMING PROJECTS ANG PINALAMPAS PARA SA SERBISYO PUBLIKO

HARD TALK!ni Pilar Mateo OCTOBER 11 noong ipagdiwang nila ang anibersaryo ng pagiging sila. Nagsimula …

Leave a Reply