Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
customs BOC

BOC, port officials ipinahihiya ng mga tiwali sa gobyerno

NAGSASABWATAN ang mga corrupt na opisyal ng gobyerno para hiyain ang mga pinuno ng Bureau of Customs (BOC) na gumaganap sa kanilang tung­kulin.

Inihayag ito ng isang Customs official na tumangging magpabanggit ng pangalan, bilang reaksiyon sa naganap na pagdinig noong Huwebes sa House committee on danger­ous drugs at Committee on good government hinggil sa sinabing drug shipment na itinago umano ang shabu sa apat na magnetic lifters at naipuslit sa Manila International Container Port.

Aniya, nagmula sa Philippine National Police, Philippine Drug Enforcement Agency at sa mismong BOC ang mga opisyal na nagsanib-puwersa para manipulahin ang pagpasok ng sinasabing P6.8-bilyong shabu shipment sa bansa.

Halata umanong ‘minama­nipula’ ng ilang puwersa  sa na­tu­rang public hearing kung paano ‘nag-leak’ sa ilang indi­biduwal ang intelligence in­formation hinggil sa shipment.

Ayon sa opisyal, naka­lu­lung­kot na nadadamay ang mabubuting opisyal ng BOC dahil sa kagagawan ng iilang bulok na opisyal ng gobyerno.

“You can see how unscrupulous individuals had no qualms about humiliating any BOC officials to show how powerful they are. They want to show the world that they can easily destroy the reputation and cause the removal of any commissioner or top official who wanted to stop them,” pahayag ng BOC official

Kasabay nito, umaasa si­yang sa bandang huli ay mabi­bigyan ng hustisya ng mga imbestigasyon sa Kamara at Senate Blue Ribbon committee, ang mga hindi kasabwat sa drug shipment at maparusahan naman ang mga responsable sa pagpupuslit.

“It’s a pity that men of good character are being subjected to public ridicule. We hope that in the end, the findings of the House committees and the Senate blue ribbon committee will give justice to those who were not involved in the sup­posed drug shipment and severely punished those who were responsible for it,” umaa­sang pahayag ng opisyal.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …

Bojie Dy Sandro Marcos

Speaker Dy, Majority Leader Marcos naghain ng makasaysayang Anti-Political Dynasty Bill

ni Gerry Baldo ISINASAKATUPARAN ni Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ang kanyang pangakong repormang …

Arrest Shabu

Parang kendi lang kung magbenta ng shabu sa kalye, 2 tulak nakalawit

DALAWANG personalidad na kabilang sa isinasangkot sa droga ang naaresto ng mga awtoridad sa ikinasang …

PRC Physician Doctor Medicine

PRC Board of Medicine aprubado para sa imbestigasyon laban sa mga doktor ng Bell-Kenz

MALUGOD na tinanggap ng abogado at tagapagtaguyod ng karapatang pantao na si Lorenzo “Erin” Tañada …