READ: 3 patay, 26 tiklo sa shabu tiangge sa Bacoor
READ: P4.3-B shabu nasabat sa Manila Port
NAKOMPISKA ang P1.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa Bacolod City, nitong Martes ng hapon.
Anim sachet ng shabu ang nasabat mula kay Faisalin Ibra, ayon sa pulisya.
Ayon kay Ibra, pagbebenta umano ng DVD ang kaniyang hanapbuhay at mga dalawang buwan pa lamang siya sa lungsod makaraan lumipat mula Marawi City.
Inaresto rin ng pulisya ang driver ni Ibra na si Nurban Caunda na sinabing hindi niya alam na nagtutulak ng droga si Ibra.
“Hindi. Binibigyan niya lang ako ng pera (para mag-drive). Kung minsan 1,000, 2,000,” aniya.
Ayon sa pulisya, matagal na nilang minamanmanan si Ibra.
“Dito sa area sa Bacolod City at lalo na sa Brgy. 4, nakikita natin ang hotels at pension house sa lugar posible na doon na nila mismo idini-deliver ang items,” ani Senior Insp. Leo Estopa, commander ng Police Station 2.