READ: P4.3-B shabu nasabat sa Manila Port
READ: P1.4-M droga nakompiska sa Bacolod
CAVITE – Tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang namatay habang arestado ang 26 iba pa makaraan salakayin ng mga awtoridad ang isa umanong shabu tiangge sa Bacoor City, Cavite nitong Martes.
Kabilang sa napatay sina Harries Iso at Diowie Concepcion habang inaalam ang pagkakakilanlan ng isa pa.
Naaktohan ng mga pulis ang 26 katao habang bumabatak ng ilegal na droga.
Narekober ng pulisya ang pake-paketeng hinihilang shabu na tinatayang P1 milyon ang halaga. Isinilid ito sa mga canister na itinapon sa dagat.
Nakuha rin sa lugar ang dalawang kalibre .45, dalawang kalibre .38 at isang kalibre .22 pistol.
Isinagawa ang operasyon sa bisa ng search warrant makaraan makompirma ng mga pulis na ginagawang shabu tiangge ang mga bahay.
“Base doon sa surveillance na nakuha natin, may napansin po kasi tayo roon na kakaiba. Dahil ‘yung isang bahay doon puno agad ng tao kung saan gumagamit,” ani Supt. Vicente Cabatingan, hepe ng Bacoor City police.
Inaalam ng mga pulis kung sino ang supplier ng ilegal na droga.