Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rice hoarders binantaan, minura ni Duterte

MAS kursunada ni Pa­ngulong Rodrigo Duter­te na murahin at banta­an ang rice hoarders dahil mas mabilis ang resulta kaysa sampahan sila ng kaso.

Inihayag ito ni Presidential Spokesman Harry Roque matapos kompirmahin na isang rice hoarder ang tinawa­gan ni Pangulong Du­ter­te noong nakalipas na buwan at sa loob ng 72 oras ay inilabas lahat ang mga inimbak na bigas sa bodega.

“That’s a gray area ha, kasi papasok iyan doon sa unfair com­petition. Pero unfair competition, well, may mga elements iyan that may or may not have been complied with. Pero ang ginawa lang ng Presidente easy remedy. So kung magkakasuhan pa, matagal pa,” ani Roque.

“Well, noong tinawag po siya ni Presidente, and this was supposed to be off the record – you did not hear from me, but since it’s out – he was given 72 hours. And we monitored: The rice did come out. So there was no need to even announce who he was. And ap­parently, he emptied his warehouses,” dagdag niya.

Noong nakalipas na 23 Hulyo ay isiniwalat ni Communications Secre­tary Martin Anda­nar na open-secret sa Palasyo na may rice cartel na nagmo-monopolyo sa presyo ng bigas sa bansa.

Sa katunayan, ayon kay Andanar, sa isang national security meeting sa Palasyo ay tinawagan at minura ni Pangu­long  Duterte ang uma­no’y kasali sa rice cartel leader na hindi tinukoy ng Kalihim.

Sa cabinet meeting kamakalawa ay muling nagbabala si Duterte sa rice hoarders na huwag hintaying ipawasak niya ang mga pinto ng kani­lang mga bodega para ilabas ang itinago nilang mga bigas.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia BBM Audie Mongao

Goitia: Disiplina ang Sandigan ng Republika May Tamang Lugar ang Pagtutol

Kapag ang isang aktibong opisyal ng militar tulad ni Audie A. Mongao ay hayagang nagbawi …

Sogo Employee Returns Lost Cash P400,000

Hotel Sogo Employee Selflessly Returns Lost Cash Worth More Than P400,000

  QUEZON CITY, Philippines – A Hotel Sogo Santolan employee, Mr. Raymond Tobasco, discovered a …

PDEA

Batakan tinibag ng PDEA; Operator, 3 runner tiklo sa Porac, Pampanga

BINUWAG ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Pampanga Provincial Office ang isang …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted criminal ng CamSur nabitag sa Bulacan

NAHULOG sa kamay ng batas ang isang indibidwal na nakatala bilang most wanted person sa …

Olongapo PNP Police

12 timbog sa Oplan Roulette sa ‘Gapo

ARESTADO ang 12 indibidwal nang ipatupad ng Olongapo CPS, katuwang ang Criminal Investigation and Detection …