Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

‘Tsongke’ malapit nang maaprubahan

MEDICAL Cannabis o legal na paggamit ng marijuana bilang gamot ang layunin ng House Bill 180 o “Philippine Medical Compassionate Medical Cannabis Act.”

Aprubado na ito sa House Committee on Health matapos ang konsultasyon sa pasyente, advocacy groups, health care practitioners at mga eksperto.

Iniakda ni Isabela Representative Rodolfo Albano, layunin nito na maging legal sa ilalim ng itinatakdang regulasyon ang medikal na paggamit ng cannabis.

Kapag naaprubahan ang nasabing batas, magtatayo ng Medical Cannabis Compassionate Centers (MCCC) na awtorisadong magbenta, mag-supply at magbigay ng cannabis sa mga kuwalipikadong pasyente o kanilang tagapag-alaga sa pamamagitan ng S3-licensed pharmacists.

Ang MCCC ay lisensiyado ng Department of Health (DOH) na ilalagay sa mga department-retained hospitals, specialty hospitals at iba pang private tertiary hospitals.

Itatayo rin ang Medical Cannabis Research and Safety Compliance Facilities na magasagawa ng scientific and medical research para sa medical use ng cannabis.

Ang DOH ay mag-iisyu ng identification cards sa mga kuwalipikadong medical patients batay sa sertipikasyon ng isang doktor.

Klaro!

Sana lang ay ganyan din kaklaro kapag ipinatupad nila ito.

At higit sa lahat huwag sanang samantalahin ng mga komersiyante at komersiyalisadong pharmaceutical companies.

Mas lalong hindi dapat samantalahin ng mga taong may masasamang intensiyon.

For the meantime, let’s wait and see.

Sa Makati City
MAGULANG MANANAGOT
SA ANAK NA MAHUHULI
SA CURFEW HOURS

SA bagong curfew ordinance ng Makati City, pinananagot ang mga pabayang magulang sa pamamagitan ng suspensiyon ng kanilang health benefits na kanilang natatanggap sa lokal na pamahalaan.

Nilagdaan na ni Makati Mayor Abby Binay ang City Ordinance No. 2017-098 na nagtatakda ng curfew hours mula 10:00 pm t0 4:00 am sa mga kabataang mababa ang edad sa 18-anyos.

Ang mga 18-anyos na hindi kayang gabayan ang kanilang sarili ay bawal din maglamyerda sa labas ng kanilang tahanan sa ganoong oras.

Sa unang pagkakataon, ang mga kabataan na mahuhuli ay ihahatid sa kanilang tahanan, at ang mga magulang ay palalagdain sa isang kasunduan na kailangan dumalo sa parents’ effectiveness seminar.

Kapag hindi nakadalo ang magulang, isususpendi ang kanilang health benefits na ipinagkakaloob ng pamahalaan, na kinabibilangan ng our-patient services, subsidized hospitalization at libreng gamot.

Ang mahuhuli sa ikalawang pagkakataon sa curfew hours ay ay magmumulta ng P2,000 o kaya ay makukulong sa loob ng limang araw. Ang magulang at anak ay sasailalim sa pagtatasa ng social welfare department.

Ang hindi makatutupad sa ordinansa ay mananagot sa ilalim ng umiiral na batas.

Bilib tayo sa nakaisip ng ordinansang ito. Makikita na seryoso ang isang lokal na pamahalaan na makapagpapairal ng ganitong ordinansa.

Sana lang ay huwag rin itong maabuso ng mga mahilig sa palakasan.

Pero, nakikita rin natin, na magiging malaking isyu kung gagamiting ‘barter’ ang benepisyong natatamasa na ng mga magulang.

Isa itong carrot & stick style ng pamumuno.

Kung epektibo ang ordinansa o ang batas at mahusay, naniniwala tayong hindi kailangan magkaroon ng estilong ‘blackmail’ sa pagpapatupad.

‘Yun lang po.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap





About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *