Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Little maliit lang ang kontribusyon kaya pinauwi

APAT na panalo sa sindaming laro. Sa kabila nito ay nagpalit pa rin ng import ang TNT Katropa at pinauwi si Mario Little!

Saan ka nakakita ng ganun? Hindi ba nakagigimbal?

Yung mga ibang teams nga ay napagtatalo at nahihirapang makaangat sa standings pero hindi pa rin nagpapalit ng import.

Pero ibang klase ang Tropang Texters!  Desidido talaga silang mamayagpag sa Governors Cup. Sa tingin kasi ni coach Joseph Uichico ay hindi madadala ni Little hanggang sa Finals ang TNT Katropa. Baka hanggang simula lang ang import na ito at tumukod sa dakong huli kapag dikdikan na talaga!

Kasi nga, si Little ang siyang may pinakamababang scoring average sa sampung imports na naglalaro sa torneo. Hindi rin siya overpowering bilang rebounder.

Pero nanalo nga ang TNT Katropa sa unang apat na laro, hindi ba?

Ang mga tagumpay na ito ay dahil sa mga locals. E, apat na beses naparangalan bilang Player of the Game si Jayson Castro. Aba’ý halos triple double ang mga numero nito.  Maliit na di hamak si Castro kaysa kay Little pero nadodomina niya ang laro.

At kung doon nga titignan ang sitwasyon, siguradong tama ang sapantaha ni Uichico at ng coaching staff ng TNT Katropa.

Kaya kinuha ng Tropang Texters si Mychal Ammons na nag-debut sa laro kontra Blackwater Elite noong Saado.

Well, sa umpisa ng larong iyon ay hindi nalayuan ng  Tropang Texters ang Elite. Lamang pa nga ang Blackwater sa halftime.

Pero ito ay bunga ng pangyayaring nag-aadjust pa si Ammons at hindi muna pinaglaro si Castro na may dinaramdam.

Pero sa second half ay ipinasok na si Catsro at naging maganda na ang laro ni Ammons, Kaya tuluyang dinurog ng TNT Katropa ang Blackwater, 109-89 upang manatiling malinis ang record na 5-0. Nagsosolo na ngayon sa itaas ng standings ang Tropang Texters matapos na matalo ang Mahindra sa Phoenix noong Biyernes.

At hindi naman nagsisisi si Uichico sa pagpapalit na ginawa. Kasi nakikita niyang may magandang future si Ammons na gumawa ng 16 puntos at humugot ng 18 rebounds laban sa Elite.

Sana nga ay hindi talaga magsisi ang TNT Katropa dahil sa pinauwi nila si Little.

SPORTS SHOCKED – Sabrina Pascua

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Sabrina Pascua

Check Also

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …

Kira Ellis Fernando Casares SEAG

PH completes sweep of 3 triathlon golds

RAYONG, Thailand – Nilinis ng koponan ng triathlon ng Pilipinas ang lahat ng tatlong gintong …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …