NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) sa Manila South Harbor ang limang container van na naglalaman ng P2.5 milyong halaga ng iba’t ibang klase ng puslit na kendi mula sa China.
Ito ay makaraan ang inspeksiyon na isinagawa ng BoC sa pangunguna ni Customs Commissioner Nicanor Faeldon.
Base sa entry declaration ng nasabing kargmento, dumating ang limang container van noong Agosto 5, 2016.
Ang nakadeklara sa dokumento ay fruit jelly ngunit nang inspeksiyonin ay nabatid na naglalaman ang kargamento ng chocolates at iba pang uri ng kendi.
Napag-alaman, wala rin kaukulang permit mula sa Foods and Drugs Administration (FDA) ang nasabing mga kargamento.
Bunsod nito, sinabi ni Faeldon, posibleng magpalabas sila ng ‘warrant of seizure and detention’ laban sa nasabing kargamento na naka-consign sa Jolt Aquamarine Food Corporation na nakabase sa Binondo, Maynila.
(LEONARD BASILIO )