Saturday , November 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Dating vendor sa Quinta market nakaharang ngayon sa kalye

PAGKATAPOS magawa ang gusali ng Quinta market sa Quiapo, Maynila, lalo pa yatang dumami ang mga illegal vendor ngayon sa paligid ng nasabing palengke.

Bakit ‘kan’yo?

Marami kasi sa mga dating nagtitinda sa loob ‘e ginawa nang ‘bahay’ ang lugar na pansamantalang pinagpuwestohan sa kanila sa kanto ng C. Palanca at Quezon Blvd.

Bumalik sila sa lumang palengke, pero ang mga gamit nila ay iniwan doon sa tabi ng PNB.

‘Yung iba naman, doon na mismo nagsipagtinda dahil mas mababa ang binabayaran nilang ‘upa’ o ‘tong.’

Kaysa naman sa bagong gusali na baka nga naman, ipaghahanabuhay lang nila ang nasabing palengke at ipasa sa kanila ang hindi rasonableng singil para habulin ang ginastos sa pagpapagawa ng nasabing gusali.

Magkakandakuba sila sa kahahabol ng kita para maipambayad lang sa bagong palengke.

Kaya siguro mas marami sa kanila ang hindi na bumalik sa loob ng Quinta market.

Ang siste, apektado naman ang mga may tindahan na tinambakan ng gamit ng mga dating taga-Quinta market na ngayon ay ayaw nang bumalik.

080916 quinta market

Akala ng mga negosyante sa nasabing area, matatapos na ang pagtitiis nila nang matapos na ang palengke, pero maling akala dahil ayaw nang alisin doon ng mga vendor ang kanilang mga gamit.

Sonabagan!!!

‘Wag po kayong magagalit ha, pero sa ganyan ninyong attitude, mababansagan na naman kayong utak-iskuwater.

Gusto na naman ninyo, lahat ng bakanteng puwesto sa inyo?!

Ang isa pang ikinaiinis ng mga store owner, dahil may nakaharang sa harap ng tindahan nila, natatakot tuloy pumasok ang mga customer.

Kaya apektado na rin ang sales nila.

Doon na sila nakaistambay, naglalaro ng pool, nag-iinuman at kung ano-ano pa.

Higit sa lahat nagiging ‘cover’ at tambayan din ng mga snatcher at holdaper.

Paging MPD Plaza Miranda PCP!

GOV. AMOR DELOSO
SA KAPIHAN SA MANILA BAY
SA CAFÉ ADRIATICO, MANILA

080916 AMOR DELOSO scarborough shoal

Bukas inaasahang magiging makabuluhan ang talakayan sa Kapihan sa Manila Bay dahil sa mainit na isyu ng illegal mining sa lalawigan ng Zambales.

Lalo na nang mabistong, ang boulders at lupang ginamit sa reclamation ng China sa Scarborough Shoal ay mula sa ‘tatlong bundok’ ng Zambales.

Pero mayroon din lumutang na ang dinadalang lupa sa Scarborough Shoal ay mula sa mine tailing.

Ito ‘yung mga tira-tira sa mga minahan na mayroon pang residue ng iba’t ibang uri ng mineral o likas na yaman mula sa lupa.

Bukas magiging panauhin si Zambales Governor Amor Deloso para pag-usapan ang mainit na isyung ito at kung  sino ang kanyang mga pananagutin.

Inaanyayahan ang mga katoto sa media na dumalo sa Kapihan sa Manila Bay, ganap na 9:00 am sa Café Adriatico, Remedios Circle, Malate, Maynila.

REPUBLICAN CANDIDATE
DONALD TRUMP TINAWAG NA TERORISTA
AT HAYOP ANG MGA PINOY

080916 donald trump

REGIONALIST at mapagbansag si Donald Trump, ang kandidato ng Republican party sa gaganaping eleksiyon sa Nobyembre 2016 sa Estados Unidos.

Itinatanggi niyang siya ay Hudyo. Ang Anak lang umano niyang babae na si Ivanka Trump ang Jewish convert pero siya umano ay masugid na sumusuporta sa Jewish Estate.

At talaga namang buong yabang na ipinahayag na,

“We love Israel. We will fight for Israel 100 percent, 1,000 percent. It will be there forever.”

No wonder kung bakit ang tingin sa Middle Eastern at Eastern (Asian) people gaya ng mga Filipino ay terorista at hayop.

‘Yan ang hindi dapat kalimutan ng mga Filipino-American na nasa US ngayon.

Kapag nanalo si Trump, tiyak pati ang mga nanahimik na Fil-Am ay palalayasin niya sa America…

F$@k you, Trump!

KOMPORME IBALIK
ANG ROTC

080416 ROTC

Dear Sir Yap:

Komporme ako na muling ibalik ang ROTC sa curriculum sa college. Nang sa ganoon ay matuto naman ang ating mga kabataan sa mga bagay-bagay hinggil sa pagtatatanggol sa ating bansa sa oras na may sumakop sa atin. Napapanahon ito dahil may namumuong sigalot laban sa China at kailangan matuto silang humawak ng armas at matuto ng art of war.

Hindi nanatin maaasahan ang ating seniors na siyang makipaglaban. Ang ating kabataan na lang ang ating pag-asang humarap sa kalaban. Kaya dapat ipagkaloob sa kanila ang natatanging mga training sa actual combat, at values na kanilang matutunan sa pagpasok sa ROTC.

Joselito  A.  Mamaril
Pasay City
[email protected]

HINAING KAY MANILA
5TH DISTRICT
COUNCILOR TJ HIZON

080916 TJ hizon

GOOD pm po sir Jerry, pwede po ba na tulungan nyo kami na maiparating kay Konsehal TJ Hizon ang aming hinaing.

Hindi po kc ibinibigay ng staff ni konsehal ‘yung sahod naming mga JO. Kasabwat ng staff ni konsehal ‘yun paymaster. Pinipirmahan ng staff ‘yun payroll pero ‘di po namin alam kung ibinibigay ni paymaster ‘yun pera ng mga J.O. Baka ipinambabayad sa kinuhang sasakyan ni staff? Sana po malaman ni Konsi Hizon para hndi na kami pinapaikot at maibigay na ang sahod namin.

+639169033 – – – –

KONSEHAL TJ Hizon, hihintayin namin ang inyong aksyon sa isyung ito.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *