Monday , December 23 2024

Pinay tiklo sa $750K Cocaine sa HK

080516_FRONT

SUSUDSURIN ng Manila International Airport Authority (MIAA) kung paanong nakalabas ng bansa nang hindi napapansin ang isang turistang Filipina dala ang 700 gramo ng cocaine at naipuslit sa Hong Kong.

Inatasan ni MIAA General Manager Ed Monreal ang kanyang security officials na magsagawa nang masusing imbestigasyon at kuwestiyonin ang lahat ng mga opisyal na nakatalaga sa inisyal at final security check sa terminal 2 at 3.

Sinabi ni Monreal, ang unang dapat gawin ay alamin kung saan kumuha ng flight ang Filipina patungong Hong Kong, pangalawa, kung anong flight ang kanyang sinakyan para mabatid kung anong oras siya umalis at kung sino ang personal na naka-duty sa nasabing araw at oras.

Ito ay makaraan maaresto ng Hong Kong customs ang isang Filipina tourist sa kanyang pagdating mula sa Manila nitong Hulyo 30, 2016 at kinasuhan ng drug trafficking sa Tsuen Wan Court noong Agosto 1, 2016.

Ang 37-anyos Filipina telephone operator ay nahulihan sa kanyang handbag ng 700 gramo ng hinihinalang cocaine na nagkakahalaga ng $750,000 ang street value.

Ang pagkaaresto sa isang Filipina noong Hulyo 30 sa Chek Lap Kok ang unang napaulat na kaso ng drug trafficking mula sa Maynila sa pagsisimula nang pag-upo sa puwesto ng administrasyong Duterte noong Hulyo 1.

Sa ulat mula sa Hong Kong, sa isinagawang spot check sa bagahe ng Filipina, napansin ng mga awtoridad ang kahina-hinalang x-ray images sa loob ng kanyang hand bag.

Nabatid sa masusing pagsusuri ang dalawang slabs ng hinihinalang cocaine, ang isa ay tumitimbang ng tinatayang 330 gramo at ang pangalawa ay 390 gramo, na nakatago sa false compartment ng kanyang bag.

Itinakda ng Magistrate Cheang Kei-hong ang pagdinig sa Kaso sa Oktubre 24 para sa masusing imbestigasyon, at iniutos ang pagkustodiya sa Filipina.

Iniutos din ng korte sa Filipina na bumalik sa korte sa Agosto 9 para sa bail review.

Ang insidente ay naganap sa gitna nang maigting na kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa droga at sa mga supplier nito na nagresulta sa pagkamatay ng daan-daang mga sangkot sa droga.

ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *