Tatlong bilyong pisong unliquidated funds ang hanggang ngayon ay hindi maipaliwanag ng Philippine Sports Commission (PSC) kung saan napunta.
Muntik nang maibaon sa eternal peace ang isyu kung hindi pa nagkaroon ng bagong Chairperson ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa katauhan ni Madam Andrea “Didi” Domingo.
Sa kabuuan ng P3 bilyon, limang porsiyento rito ay galing sa pondo ng PAGCOR. Pero kapag pinagsama ang pondo ng PAGCOR at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), aabot sa P1 bilyon.
Sa totoo lang, matagal na tayong nagtataka kung bakit ang laki-laki ng pondong ibinibigay sa PSC pero hindi naman umaangat ang kalidad ng pagsasanay sa ating mga atleta.
Kaya naman tuwing may laban, puro lakas-loob at lakas ng tiwala ang baon ng ating mga atleta at hindi lakas ng katawan.
Araw-araw ang daming kinukuha ni Lord.
Bakit kaya ‘yung mga mapagsamantalang PSC official na ginagamit ang ating mga atleta para magkamal ng salapi, hindi nauuna?!
Tsk tsk tsk…
Kunsabagay, ibang klaseng maningil si Lord.
By the way, dapat magpasalamat ang mga atleta kay Madam Didi dahil bukod tanging siya lang ang nagkalakas ng loob para kuwestiyonin ang bilyong pondo ng PSC.
Busisiin pa ninyo ‘yan, Madam Didi!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com