Friday , December 27 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

911 gamitin nang tama huwag salaulain!

SA ibang bansa ang 911 ay isang mahalagang numero na hindi kailangan biruin o paglaruan.

Mabagsik na parusa ang haharapin kahit sino pa ang naglaro o nagbiro sa nasabing numero.

Pero dito sa atin, parang mga adik daw na nagti-trip ang prank callers sa 911.

Hindi natin alam kung gusto ba nilang ‘makakurot’ kahit kaunti kina Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte at kay Philippine National Police (PNP) chief, Director General Ronald “Bato” Dela Rosa dahil sa matinding kampanya kontra illegal na droga o talagang kultura na ng ilan nating mga kababayan ang mang-goodtime?!

Mantakin n’yo naman, mas marami pa ang natanggap na prank calls ng 911 kaysa ‘yung mga seryosong tawag?

Nakikiusap tayo sa ating mga kababayan na huwag konsintihin ang mga maling asal gaya nito.

Paano kung isang araw ‘e biglang kayo na pala ang mangailangan ng tulong, pero dahil nabuwisit na ‘yung mga taga-911 ‘e hindi na kayo sinaklolohan?! Irespeto po natin ang mahahalagang bagay na malaki ang maitutulong sa atin bilang mga mamamayan.

080416 duterte bato prank call

‘Yung 911 po ay ginawa para sa mga kababayan natin na kailangang-kailangan ng tulong sa oras ng kagipitan at problema sa seguridad.

Ilang halimbawa po rito ang mga pasahero na nabibiktima ng mga driver na adik, rapist at nakahandang pumatay maatapos gawin ang krimen.

O kaya pinasok ng magnanakaw na armado ang inyong bahay at kailangang-kailangan na makatawag ng saklolo.

Matinding aksidente sa kalye na kailangan ng mabilis na responde mula sa mga kinauukulan.

O iba pang insidente o tulong medikal na kailangan daluhan o saklolohan agad.

Ganyan po kaimportante ang 911, kaya hindi dapat pinaglalaruan.

Huwag po hintayin ng prank callers na dumating ang panahon na kapag sila ang nangailangan, wala na silang masusulingan.

Pahalagahan natin ang 911!

GEN. EDGARDO TINIO ITINANGGI
ANG DRUG MONEY, PERO UMAMIN
SA JUETENG MONEY?!

080416 tinio JUETENG

Naghugas ba ng kamay si dating Quezon City Police District (QCPD) chief, Gen. Edgardo Tinio?

Hindi raw drug money kundi jueteng money ang tinatanggap niya sa isang gambling lord noong naka-assign pa siya sa Central Luzon.

Araykupo!

Naghugas pa ng kamay ‘e pinaghugasan pala ng malansang isda ang kanyang kinanawan!

Ang pinakamagandang gawin ni Gen. Tinio, ay idepensa niya na wala siyang drug lord na pinoprotektahan!

Bistado na ng intel ng Pangulo kung sino-sino ang tongpats at protektor sa illegal na droga kaya mas mabuting maghanda siya ng kanyang depensa.

Gen. Tinio, ‘yang pag-amin mo sa jueteng payola ‘e swak ka rin sa corruption.

Hindi ka nga sasabit sa drug money, makakasuhan ka naman sa jueteng money?!

Less talk less mistake!

LAWTON ILLEGAL PARKING
HINDI KAYANG WALISIN!

080416 lawton illegal terminal
ILLEGAL TERMINAL SA PLAZA LAWTON. Tila walang takot na hinahamon ng operator ng illegal na terminal sa Plaza Lawton na sakop ng Barangay 659-A sa Ermita, Maynila sina Department of Transportation Secretary Arthur Tugade at Pangulong Rodrigo Duterte dahil hanggang sa kasalukuyan ay lalong nagtatambakan ang mga UV express, mga bus at kolorum na van sa nasabing lugar. Ilang metro langa ng layo nito sa Manila city hall.

SIR , ‘yan illegal parking ni Joy sa Lawton hindi maaalis ‘yan. Dami nakatongpats diyan. MPD, MTPB, MMDA, LTO, LTFRB lahat may lagay lalo na city hall.

+639175831 – – – –

‘TIGASIN’ BAGMAN
NG MPD PS-11 AT PS-4

080416 police bagman money

Sir Jerry,’lam ba ni MPD DD Jigz Coronel na dalawang presinto ang hawak ni bagman tata boy-ong.onse at kuwatro ang hawak nito.ngpadoble tara pa.

0994166—

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *