Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Kapag nasa manibela doble hinahon ang pairalin

SABI nga kapag nagagalit, bumilang ng 77 beses.

Kapag galit pa rin, 77 beses ulit, kapag ayaw pa rin kumalma uminom ng tubig at huminga nang malalim saka bumilang ulit ng 77 beses… ibig sabihin paulit-ulit na pagbibilang hanggang mawala at humupa ang galit.

Ganyan daw dapat kahaba ang pasensiya, lalo na kung ikaw ay nasa manibela.

Pero huli na para kay Von Tanto, dahil patay na si Mark Vincent Garalde at hanggang ngayon ay nanganganib pa rin ang buhay ng isang estudyante na tinamaan ng kanyang ligaw na bala sa tagiliran.

Higit sa lahat, nakakulong na si Tanto ngayon at malamang mahoyo habambuhay.

‘E paano kung maaprubahan  pa ang death penalty?

Baka abutin pa siya ng sentensiyang bitay.

Dahil sa kapusukan, init ng ulo at tapang na hiniram sa amoy ng pulbura, maraming buhay ang ngayon ay nasasayang.

073016 biker road rage cctv

Naalala pa ba n’yo ang Rolito Go – Maguan case na dahil lang sa road rage ay may namatay at nakulong nang habambuhay?

Hindi pa huli para sa mga taong medyo maiinit ang ulo. Kuhaan natin ng aral ang karanasan ni Tanto at ni Garalde.

Huwag siga-siga kapag nasa kalye.

Sumunod sa batas ng trapiko at maging considerate sa kapwa motorista, ganoon din sa pedestrian.

Kung lahat ng motorista ay ganyan ang nasa isip, tingnan ninyo, tiyak mababawasan ang mga brutal na insidente sa kalye.

Huwag na po kayong makipagsabayan at umiwas sa mga gago sa kalye, marami talaga sila at tiyak maha-high-blood lang kayo at masusubo sa isang situwasyon na sa huli ay pagsisisihan lang ninyo.

Uulitin ko lang po.

Be cool sa kalye lalo na kung kayo ang nasa manibela.

Ganoon lang po kasimple ‘yan.

ADVANCE SECURITY AGENCY
SA NAIA HINILING I-AUDIT

080216 miaa naia security

Matapos mag-trending sa social media ang video na nahuli ni Manila International Airport (MIAA) general manager Ed Monreal ang isang security guard na natutulog sa kanyang post, marami ang humiling na dapat i-audit ang security agency na nagtatalaga ng mga guwardiya sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals.

Kung hindi tayo nagkakamali, ‘yan ‘yung Advance Security Agency.

Sila ang nakakuha ng kontrata sa MIAA. Ang siste, kulang na kulang sila sa tao kaya ‘yung mga guwardiya nag-o-overtime sa posting.

E sino ba ang tatagal na 24-oras gising bilang security guard?!

Maliban na lang kung naka-shabu ‘yan, kahit tatlong araw gising na gising ‘yan.

‘Yun lang, katakot-takot na bulilyaso ang aabutin ng NAIA sa ganyang mga guwardiya.

Kaya please lang po, GM Ed Monreal, pakinggan po ninyo ang request ng mga taga-airport na dapat i-audit ang Advance Security Agency.

At kung marami silang paglabag sa kontrata, palagay natin ‘e dapat nang palitan ang agency na ‘yan.

Tutal naman ‘e kumita na ‘yung mga ‘middle man’ diyan!

Huwag na po ninyong hintayin na sumakit pa ang ulo ninyo sa mga guwardiyang ‘yan, GM Monreal.

‘Yun lang po.

BLUMENTRITT VENDORS
MASAMA ANG LOOB SA CITY HALL

080216 Blumentritt market

SIR ngayon wala n kami kabuhayan sa pagtitinda dto sa Blumentritt kahit ngbayad kami ng tamang buwis. Sobra-sobra rin ang inihatag naming tong sa DPS, pulis at city hall. Bigla n lng kami pinalayas matapos kaming pakinabangan. Wala nman programa kung saan kami lilipat pra magtinda.

+63915474 – – – –

PASAWAY NA MGA JEEP
NG RUTANG BLUM-BALUT
(ATTN: LTFRB, LTO at MMDA)

072516 jeepney

KA JERRY, reklamo lang namin dito sa Antipolo St., Tondo ang mga pasaway na mga jeep na dumaraan rito sir, napakaiingay at sobra pa sa pugon ang ibinubugang usok. Hindi maipagkakailang adik pa po ang ilang mga jeep driver kaya walang pakialam sa paligid. Abusado po kung magpatakbo at biglang hihinto sa gitna ng kalsada tuwing magbababa o magsasakay ng pasahero. Marami rin kolorum na jeep na karamihan pulis ang may-ari. Sana aksiyonan ng ating awtoridad. Salamat po.

+639186922 – – – –

REKLAMO SA BISOR NG MTPB

080216 MTPB kotong uv express

SIR, sana malaman ni Mayor Erap na may isang MTPB bisor ang yumaman na sa paniningil ng terminal fee sa mga UV Express Taxi Terminal sa Sampaloc, Maynila.

Sa bawat UV Express taxi ay pinagbabayad sila ni Maliksi Supervisor  ng P600 kada linggo isang taxi na naka-illegal terminal sa Morayta St.

Kung ‘di kami magbabayad kay Maliksi ay ipapahuli kami mula naging bisor si Maliksi ay tumaas ang binabayaran namin terminal Fee. Pumapasok kaya sa city hall ang nakokolekta nila?

Sir Jerry, kahit daw magreklamo kami sa hepe ng MTPB ay hindi siya natatakot dahil ‘yan daw utos na itaas ang terminal fee. +639128301 – – – –

PAKI-EXPLAIN Bisor Maliksi ang isyung ito sa ‘yo!

ATTN: PARAÑAQUE PNP
CHIEF COL. JOSE CARUMBA

071616 parañaque police car 3134

SIR JERRY, ‘yan police mobile 313-A at 313-B lagi nag-aantay ‘yan tuwing madaling araw sa mga delivery papuntang palengke ng P’que tapos susundan nila at alam n’yo na po ang kasunod. Doon cla natutulog sa SM naka-park sa madaling araw.

+63919368 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *