Thursday , December 26 2024

‘Pinas gagastos ng $12-M (P540-M) sa Miss U 2017 (Pagkalap ng pondo, inumpisahan na ni Singson)

080116 MIss Universe Yacht
ITO ang Italian made na yate na gagamitin ng mga kandidata ng Miss Universe para sa pag-ikot nila sa iba’t ibang bahagi ng Filipinas. ( Maricris Valdez-Nicasio )

TULOY na tuloy na ang pagsasagawa ng Miss Universe sa Filipinas dahil nagsisimula nang maghanap ng mga personalidad at private companies si dating Governor Chavit Singson na maaaring makatulong para mabuo ang $12-M na gagastusin para sa pandaigdigang timpalak pagandahan.

Ayon kay Singson, walang ilalabas na pera ang gobyerno para sa Miss Universe 2017.

“‘Yun ang pinagtutulong-tulungan namin para maging matagumpay ang pagdaraos ng Miss Universe rito sa atin. Basta walang manggagaling sa gobyerno. So, tatlo kaming nagtutulong-tulong, si Sec. Wanda Corazon Teo (Tourism), ‘yung mga organizer and the private sector na ako nga ang nagko-coordinate.

“So now, we‘re trying to raise funds, na aabot nga sa P540-M. Nandiyan din ang NGOs, LGUs, ‘yung company ko and other private groups kasama ko sina Tony ‘Boy’ Cojuangco among others,” pagbabalita ni Singson sa mga entertainment editor na inimbitahan niya sa Baluarte Singson sa Vigan, Ilocos Sur.

Ani Singson, tumutulong siya sa pagkalap ng pondo para sa Miss Universe dahil, “Happy life, e. Kasi kinausap ako ng nakabili (sa rights ng Miss U), kasi ‘di ba hindi na ‘yan kay Donald Trump, bagong grupo na sila. Tapos nakipag-usap sila sa akin. Umoo ako kasi maganda naman ‘yun para sa Filipinas.

“Makatutulong din ‘yun sa atin, for everybody, kasi  it’s the world’s biggest beauty contest. So, ‘ika ko subukan ko and matutuloy na. Formalities na lang ang kulang, maybe next week (sa August) plantsado na lahat,” masayang pagbabalita ng gobernador.

Aminado si Gov. Singson na posibleng malugi sila sa naturang event, “Malaki talaga ang halagang $12-M. Baka nga lugi pa kami riyan e, dahil malaki ‘yan, dollars pa. Pero marami naman kaming katulong tulad ng malalaking hotels. ‘Yung mga casino, apat na ang nakausap ko.

“Pumayag na silang lahat, including na riyan ‘yung accommodation ng candidates. Of course, inaasahan na nating malulugi pero ang mahalaga, maraming puwedeng pumasok na negosyo rito mula sa iba’t ibang bansa,” giit niya.

Ibinalita ni Singsong na okey na rin ang gagamiting mga eroplano, mga bus, at iba pang form of transportation, bukod pa sa ilalaang security sa lahat ng involved sa Miss Universe pageant.

Ipinakita ni Gov. Singson ang retrato ng Italian made na yate na gagamitin din ng mga kandidata. Ito ang magdadala sa Miss Universe candidates sa Vigan o sa Davao na posibleng bisitahin ng beauty queens all over the world.

Ani Singson, nais lang nilang tulungan ang administrasyong Duterte na magtagumpay sa mga plano sa Filipinas, lalo ang pag-ahon sa kahirapan ng mga Pinoy.

ni Maricris Valdez-Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

BingoPlus Chelsea Manalo Feat

BingoPlus welcomes Miss Universe Asia Chelsea Manalo home

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, has always been supportive of Chelsea …

BingPlus PANA feat

BingoPlus empowers brand partners before the year ends

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, upheld the Christmas party of the …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *