Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Tatlong bundok sa Zambales ibinenta sa China!? (Ginamit sa reklamasyon)

IBINUNYAG ni Zambales Governor Amor Deloso na ang ginamit na materyales ng China para sa kanilang reclamation project sa Scarborough Shoal o Bajo de Masinloc ay mula rin sa kanilang lalawigan.

Ayon kay Gov. Deloso, tatlong bundok sa lalawigan ang pinagkuhaan ng materyales para sa reclamation project ng China sa pinagtatalunang teritoryo.

Matapang din na inihayag ng gobernador na tiyak na mayroong kumita sa pagpapasabog ng tatlong bundok para gamitin ng China.

Sonabagan!!!

Tiyak na may kumita!

‘Yan mismo ang sabi ni Gov. Deloso!

Matapos pasabugin ang tatlong bundok, kinuha ang malalaking boulder at ibiniyahe sa Bajo de Masinloc hanggang unti-unting inilatag sa karagatan para maging bedrock.

Nang mailatag ang bedrock saka inilatag ang lupa mula sa kabundukan.

Kung hindi tayo nagkakamali, ito ‘yung mga bundok sa Sta. Cruz, Infanta at Masinloc.

May Nickel na, may pang-reclaim pa.

072916 Scarborough Shoal

Ang hayup namang talaga!

Kumita lang, winasak na ang likas-yaman, at hinayaan pang masalaula ang soberanya ng bansa.

Para bang binigyan mo ng bala ang kalaban para barilin tayo?!

Wattafak!

Sana ay paimbestigahan nang husto ni Pangulong Digong ang iregularidad na ito na tahasang lumapastangan sa kalikasakan at kasarinlan nating mga Filipino.

Ex-governor, Hermogenes Ebdane Sir, sana naman ay wala kang kinalaman diyan!

Bakit ba mga drug pusher lang ang itinutumba? Bakit hindi isinasama ang mga lapastangan sa kalikasan at kasarinlan?!

Kudos kay Gov. Deloso na sinuspendi na ang mining permits sa kanilang lalawigan.

Go, Governor Deloso, para sa kalikasan at kasarinlan!

Digong ‘di na nakatiis
PAGPASOK NG CHINESE NATIONALS SA BANSA
BILANG DRUG COURIER INIREKLAMO SA CHINA

072916 duterte china immigration

Mahusay ang ginawang pagpuna at pagpapaabot ni Presidente Digong Duterte sa China kung bakit 99.9 porsiyento ng mga pumapasok na drug courier o drug lord sa bansa ay mga Chinese.

Ayon sa China, tutulong umano sila para maaresto ang illegal drug proliferation.

Sa kanilang bansa raw kasi, kamatayan ang kaparusahan laban sa mga sangkot sa droga.

Anyway, isang magandang hakbang ‘yan.

Pero imumungkahi po natin sa Kagalang-galang na Pangulo na utusan niya si Immigration Commissioner Jaime Morente na imbestigahan kung paanong nakapapasok sa bansa ‘yang mga Chinese na involve sa droga.

Sino ang lumalakad ng kanilang visa extension at sino ang nagpa-facilitate sa kanila sa airport. ‘E common knowledge naman sa BI main office na kadalasang humahawak ng mga dokumento ng Chinese drug traffickers ang dalawang notorious fixer na sina alias Betty Chuwawa at Anna Sey!

Mga initial na investigation po iyan na puwedeng pagsimulan ni Commissioner Morente.

Pero suggestion lang po kay Commissioner Morente, gayahin niya ang ginawa ni PNP chief DG Bato Dela Rosa na nagdala ng sariling tao niya sa intelligence at itinalaga ang SAF sa Bilibid para tuluyang linisin ang ‘kalat’ ng mga bigtime drug lord. Dapat po kung iimbestigahan ni Commissioner Morente kung paano nakapapasok ang mga Chinese illegal drug courier ‘e ‘yung mga taong alam niyang malinis at hindi nakasawsaw ang hintuturo sa raket at hindi nanginginain o lumalapang sa ‘plato’ nina Betty Chuwawa at Anna Sey.

Dahil kung taga-Immigration din, tiyak hindi magkakaroon ng magandang resulta ang imbestigasyon, lalo’t karamihan ng mga ibinalik sa puwesto ay mga tao rin ng dating administrasyon.

Ilang advice lang po iyan.

Nasa inyo na po kung gusto ninyong ikonsidera o ibasura.

Discretion pa rin ninyo ‘yan, Commissioner Morente.

Basta pirmi kayong mag-iingat.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …