Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Joy Rojas jackpot sa PCSO

WHEN it rains, it pours.

Mukhang ‘yan daw ang kapalaran ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general manager Jose Ferdinand “Joy” Rojas II.

Sa panahon ng administrasyon ni Noynoy, naitalagang general manager ng PCSO si Joy Rojas. At kahit napakakontrobersiyal ng pagpapatalsik kay Margie Juico bilang Chairman, nanatili pa rin siyang GM.

Maraming nag-akala noon na pag-upo ni Erineo “Ayong” Maliksi ‘e mapapalitan si Rojas bilang GM.

Pero maling akala dahil nasira ang tikas ng Caviteño na si Ayong sa kanya.

Ngayon, hindi lang bulong kundi madalas daw ikuwento ni Rojas na mananatili siya sa puwesto dahil mayroon siyang konek sa Duterte administration.

Wow, ang bigat talaga ni GM Rojas!

Kung totoo ‘yan, dapat rin naman talagang manatili muna si Rojas sa PCSO kasi marami pa umano siyang dapat ipaliwanag.

Yes!

Kung bakit milyon-milyon ang pinakakawalang pondo sa ads para sa mga ‘paborito’ nilang estasyon ng telebisyon, radio at diyaryo.

072516 PCSO Lotto money

Better to stay nga GM Rojas for explanation.

By the way, regular na kolumnista si Rojas sa isang pahayagan at malimit niyang ipinamamalita sa kanyang kolum ang mga nagawa ng PCSO at ni Aquino.

Pero kahit minsan ‘e hindi yata nabanggit ni Rojas na matagal na siyang pinag-uusapan dahil sa sinasabing pakinabang niya sa buwanang million-peso payola mula sa mga  Small Town Lottery (STL) operators sa Zambales, Negros Occidental, at halos lahat ng probinsiya sa Region III.

Ang sabi-sabi, si Rojas din umano ang nagkaloob sa jueteng lords ng STL franchises upang maging legal ang kanilang mga operasyon.

At kung hindi tayo nagkakamali, madalas din siyang makatanggap nang libreng bakasyon sa iba’t ibang lugar mula sa kanyang mga padrino na karamihan ay operators and suppliers.

Sa kabila nang mahigit P1 bilyon na lugi ng Keno Lotto Express, walang ginawa si Rojas upang maikansela ang kontrata sa pagitan ng Keno at PCSO. Hindi rin gumawa ng paraan si Rojas upang maaksiyonan ang problema, kahit patuloy ang pagkalugi ng PCSO sa operasyon ng Keno.

Papasa kaya kay Presidente Digong ang ganitong style-lokbu?

‘Yan ang aabangan natin.

56-ANYOS AGE REQUIREMENT
PARA SENIOR CITIZEN

Marami ang natutuwa sa panukalang ito na ibaba sa edad na 56-anyos ang edad ng mga senior citizen.

Padron ito sa Amerika. Pero napakapraktikal ng panukalang ito.

E kung hihintayin pa nga naman ang 60-anyos bago ideklarang senior citizen e masyadong late na at hindi na mai-enjoy ng beneficiary.

Sabi nga, ang discount ng senior citizen ay napakikinabangan lang sa pagbili ng gamot at hindi na nila napakikinabangan sa iba pang bagay.

Kapag senior citizen, s’yempre may discount, sa sine, sa hotel, sa pagkain at higit sa lahat sa pasahe.

‘E kapag 60 years old na ba, madadalas pa ba ang pagpunta sa mga ganitong lugar?!

Hindi na.

‘Yung panonood nga lang ng libreng sine hindi pa madalas na nagagamit ‘e di lalo na sa iba pa.

Sana naman ‘e aprubahan na agad ang batas na ito para sa kapakinabangan ng senior citizens.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *