Thursday , December 26 2024

FOI tinik sa dibdib ng mga dorobo

SA WAKAS, aarangkada na ng todo–todo mga ‘igan ang Freedom Of Information Bill (FOI) sa bansa, na pinatulog ng mahimbing sa napakahabang panahon ng ating mga mambubutas este mambabatas! At ngayon ‘igan…Wow na Wow at wala ng kawala pa sa pagpapatupad ng FOI dahil sa ginawang paglalagda ni Ka Digong bilang “Executive Order.” Aba’y teka…ano’t natengga / itinengga ito? Ipaliwanag n’yo po ‘yan ng maganda mga ‘igan ng hindi kayo pinag–isipan ng kung anu–ano!

Marami ang natuwa…subalit marami rin ang nalungkot sa “Executive Order” na ito. Natuwa! Sino? Siyempre ‘igan, ang mga Lingkod-Bayang may malilinis at payapang konsyensyang patuloy na nagbibigay ng serbisyo–publiko sa Taumbayan. Nalungkot! Sino? Siyempre, ang mga Lingkod-Bayang marumi kung magtrabaho at ‘yung tipong walang iniisip kundi ang personal o’ pansarili n’yang interest. Sus ginoo! Anyway, tutuldukan na ni Ka Digong ang mga katarantaduhan ninyo. Kung kaya’t umayos–ayos na po…ng hindi masampulan. Sapagkat ang mabilisang pagkakalagda ni Ka Digong sa nasabing “Executive Order,” ay katapat ang mabilis din nitong implementasyon, upang lubos na maisakatuparan ang tunay na layunin nito sa lalong madaling panahon.

Ang FOI mga ‘igan ay sadyang tinik nga sa dibdib ng mga dorobo! Mantakin n’yong hayagang matutuklasan na ng Sambayanan ang mga dorobong tahasang nangungurakot sa kaban ng Bayan! Tungo na kaya ito sa “Zero Corruption” ng bansa? Mukhang madugo ito mga ‘igan? Pera–pera kasi ang usapin dito…Patay kung Patay…Buhay kung Buhay…he he he…Huwag naman sana…

BARANGAY CHAIRMAN NAKIPAGSABWATAN

SA PAGIIKOT–IKOT ng aking “Pipit” na malupit, ay napadpad ito sa may “Lawton” d’yan sa Maynila. Kapansin–pansin mga ‘igan ang sandamakmak na mga sasakyang pampasahero rito. Dagdag pa ni “Pipit”…lahat ito’y “Illegal Parking.” Ano’t kalalakas at walang takot ang mga “Drivers” ng mga pampaseherong sasakyan na ito? Ibinulong sa aking “Pipit” na malupit, totoong nagbabayad umano sila ng “Parking Fee.” Ang tanong, kaninong bulsa napupunta ang kaperahan sa “Illegal Parking” sa Lawton? Sigaw nila’y…kay “Chairman!” Ang iba nama’y…kay Mamang Pulis! Aba’y sino bang totoong nakikinabang sa maruming pamamaraang ito?

Paging Mayor Erap Estrada, nawa’y mapa–imbestigahan ang “Illegal Parking” sa Lawton! Matuldukan nawa ang garapalang pagpapayaman ng mga taong sangkot sa pangongotong at pangongolekta ng pera sa mga pobreng “Drivers.” Hindi dapat palampasin ang katiwaliang ito ng mga Lingkod-Bayan na dapat tapat na naglilingkod sa Bayan. Linisin natin ang Lawton! Let’s Wait and See…

DIRECTOR HINAHABOL NG JOs

PAPARAMI na ng paparami ang mga nagrereklamo laban kay dating Manila Barangay Bureau (MBB) Acting Director Virgilio S. Eustaquio, partikular ang mga pinagkukuha nitong sangkaterbang JOs, na patuloy na umaasa na maibibigay pa sa kanila ang ipinangako nitong Anim na Buwang suweldo para sa kani-kanilang Pamilya. Ayon sa aking “Pipit” na malupit, pinagawa umano sila ng Daily Time Record (DTR), simula noong January hanggang June, 2016, na kanila ring pinirmahan. Dagdag pa ng aking “Pipit” na malupit, nagtatago na sa ngayon si “Ka Virgilio!” Dala–dala ang umano’y naipundar (kuno) nitong mga magagarang sasakyan. Wow! Paging Mayor “Erap” Estrada, nawa’y maipa–”Lifestyle Check” umano ang “Mamang” ito! …umano’y biglang yaman! Aba’y daig pa ang Mayor kung umasta dahil sa mga “Bodyguards” at “Back-Ups” nito noong s’ya’y nanunungkulan pa…He he he…Pero nasaan na nga ba si Ka Virgilio Eustaquio? Abangan…

E-mail Add: [email protected]

Mobile Number: 09055159740

BATO-BATO BALANI –  ni Johnny Balani

About Johnny Balani

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *