Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Sa SONA ni Digong: Walang magulong rally dispersal

NGAYON lang yata tayo nakarinig ng SONA na walang naganap na karahasan at kaguluhan sa mga raliyista at pulisya.

Puwede naman pala…

Talagang lahat ay nakukuha sa mabuting usapan.

Simpleng-simple lang ang ginawa ni PNP chief, DG Ronald “Bato” Dela Rosa, pinayagan niyang makapagmartsa ang mga raliyista hanggang sa Batasan.

Ganoon lang at mapayapang naghiwa-hiwalay ang mga raliyista.

Hindi ba’t kapwa pabor sa magkabilang panig kung walang gulong nangyayari tuwing may nagra-rally?

072716 bato nato duterte sona

Sabi nga, ‘yang pagtitipon ng mga aktibista ay isang anyo ng malayang pamamahayag at nangangahulugan na ang administrasyon ng namumuno sa bansa ay kumikilala ng mga konstruktibo at obhetibong kritisismo.

Nagpapakita rin ito ng kompiyansa sa isang administrasyon na siya ay tapat at hindi nagtataksil sa bayan dahil kinikilala niya ang mabuting hangarin ng mga demonstrasyon sa positibong paraan.

Nawa’y magtuloy-tuloy na ang ganitong situwasyon sa ating bansa hanggang dumating ang panahon na wala nang nagra-rally dahil natutugunan na ng mga namumuno sa pamahalaan ang mga batayang pangangailangan at serbisyong panlipunan ng bawat mamamayan.

Sabi nga, padayon nga pagsuporta para sa kauswagan sang banwa!

GM ED MONREAL UMAKSIYON AGAD
PARA SA SEGURIDAD NG MGA PASAHERO

072415 miaa naia taxi

NATUWA tayo sa mabilis na aksiyon ni Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Ed Monreal pabor sa mga pasahero.

Ito ay kaugnay ng pagtanggap sa mga white taxi sa loob ng NAIA terminals.

Sinabi ni GM Monreal na mahigpit nilang oobserbahan ang decorum ng mga taxi driver, sa pananamit, pag-uugali at kalinisan sa loob at labas ng sasakyan.

Sa ganoong pamamaraan nga naman ay malilimitahan ang mga bastos, marumi at may bisyong mga taxi driver (umiinom o nagbibisyo ng bawal na gamot).

Kaya ‘yung mga driver ng white taxi, kung gusto ninyong makapasok sa NAIA, tiyakin ninyo na laging malinis ang inyong sasakyan, maayos at malinis ang inyong pananamit at hindi mababaho at naka-tsinelas.

Hindi naman kailangan bago at mamahalin, ang importante malinis.

Ugaliin rin ninyong magbaon ng damit para naman kapag nangangamoy na kayo sa mahabang oras ng pagmamaneho ay makapagpalit kayo ng damit. Maliit na bagay po ‘yan na ang magiging kapalit naman ay makapasok kayo sa isang vital installation na siguradong magkakaroon kayo ng pasahero. Ang sabi nga ‘e, pakisamahan lang para mas maayos at mas madali ang daloy ng kaunlaran.

Salamat sa mabilis na aksiyon, GM Ed Monreal!

PAL COMMUNICATIONS
CHIEF MAKUPAD BA!?

072716 Philippine Airlines PAL

Nagtataka naman tayo rito kay Ms. Cielo Villaluna spokesperson ng Philippine Airlines (PAL), kapag mayroon silang mga praise ‘este’ press releases ang bilis magpa-press release.

Pero nang magkaaberya (bumalik dahil nasusunog ang landing gear) ang kanilang PAL flight PR 720 nitong Biyernes ng hapon ‘e hindi mahagilap at hindi man lang nagsalita para magpaliwanag.

Dedma lang?!

Aba, hindi puwedeng balewalain ang prehuwisyong dinanas ng may 170 pasahero lalo’t nakansela nang tuluyan ang kanilang biyahe patungong Heathrow Airport sa London.

Ang kaigihan rito, 18 minuto pa lang ang nakalilipas nang mapansin ang apoy at usok sa isa sa mga landing gear.

Kaya agad ibinalik ni Capt. Miguel Ben Gomez ang Airbus 340-300 sa NAIA.

Aba ‘e bakit kaya nagkakaganyan ang serbisyo ng PAL?!

Paano sila makasisiguro na hindi na mangyayari ‘yan sa ibang flight nila?!

At paano na ang nakanselang flight?! Paano kung importanteng event ang pupuntahan ng mga pasahero sa London?!

Wattaheck!

Ganyan na ba kahina ang mga engineer ng PAL?! Aba, Ms. Cielo Villaluna, magpaliwanag kayo! Walang katapusang nerbiyos at pangamba ang ibinibigay ninyo sa pasahero!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *