Monday , December 23 2024

FOI so easy kay Digong (Natengga nang 12 taon…)

HINDI na tayo nagtataka kung bakit sa buong mundo ay kilalang-kilala ang ating bagong pangulo na si dating Davao mayor Rodrigo “Digong” Duterte.

Ultimo mga Portuguese sa Macau, bilib kay Digong.

Mantakin ninyong ‘yung Freedom of Information bill na tenengga-tengga ng mga mambabatas at nitong huli ay mismong Malacañang pa, sa loob ng 12 taon, sa kanyang unang buwan ay nilagdaan ni Pangulong Digong bilang Executive Order!

Ganoon lang kabilis…

Walang pero-pero, pirma agad. Kung hindi tayo nagkakamali epektibo ito sa lahat ng tanggapan na nasa ilalim ng executive branch gaya nang lahat ng national government executive agencies, GOCCs, state universities and colleges.

Hindi covered dito ang senado, kongreso at judiciary.

Ang local government units hinihikayat na obserbahan at maging gabay ang nasabing batas.

Kabilang sa mga impormasyon na sakop nito ay official or public records, documents, transcripts, papers, photos, film, sound and video recording, electronic data on official acts, transactions, decisions, research data.

Masusing pinag-aaralan ang paghahayag sa publiko ng mga impormasyon na isinasaad sa Saligang Batas kabilang ang mga aspektong may kinalaman sa national security, public safety, diplomatic relations,  individual privacy, intellectual property and business proprietary rights, privileged communication (lawyer-client, doctor-patient).

Sa Executive Order na nilagdaan ni Digong, walang FOI request na maaaring i-deny para pagtakpan ang isang krimen, graft and corruption, o tanggihan ang paghahain ng pormal na kahilingan lalo’t hindi ito lumalabag sa batas at sa iba pang rules and regulations.

Mahigpit namang ipinagbabawal ang pagle-leak ng personal na impormasyon na maglalantad sa isang tao sa panlalait, pandarahas at iba pang aksiyon na lalabag sa umiiral na kaasalan.

Libre umano ang paghahain ng pormal na kahilingan sa pagkuha ng impormasyon pero babayaran ang pagpapakopya ng hinihiling na materyal o dukumento.

Ang kahilingan ay dapat na sagutin sa loob ng 15 working days kung granted o denied. Ang apela ay maaaring ihain sa loob ng 15 calendar days at kailangan maresolba sa loob ng 30 araw. Maaaring iakyat sa korte ang apela.

‘Yan po ang garantiyang ipinagkakaloob ng FOI ni Digong.

Puwedeng sabihin na eksperimental ito pero puwede rin tawagin na pansamantalang garantiya sa transparency.

Dahil epektibo lang ito sa executive branch at mga tanggapan sa ilalim nito, abangan natin kung ‘mahihiya’ ang Senado at Kongreso para i-adapt at amyendahan ang EO ni Pangulong Digong nang sa gayon ay tuluyan na itong maisabatas…

O puwede rin naman na gamitin nila ang EO ni Digong para proteksiyonan ang kanilang interes lalo na kung sagad-sagaring ‘trapo’ o traditional politician ang mambabatas.

Sabi nga, it’s either way, kaya mag-aabang ang publiko kung ano kahihinatnan ng EO sa FOI ni Digong.

Wish lang natin na sana ay may datnan ng kahihiyan.

‘Yun lang.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *