FOI so easy kay Digong (Natengga nang 12 taon…)
Jerry Yap
July 26, 2016
Opinion
HINDI na tayo nagtataka kung bakit sa buong mundo ay kilalang-kilala ang ating bagong pangulo na si dating Davao mayor Rodrigo “Digong” Duterte.
Ultimo mga Portuguese sa Macau, bilib kay Digong.
Mantakin ninyong ‘yung Freedom of Information bill na tenengga-tengga ng mga mambabatas at nitong huli ay mismong Malacañang pa, sa loob ng 12 taon, sa kanyang unang buwan ay nilagdaan ni Pangulong Digong bilang Executive Order!
Ganoon lang kabilis…
Walang pero-pero, pirma agad. Kung hindi tayo nagkakamali epektibo ito sa lahat ng tanggapan na nasa ilalim ng executive branch gaya nang lahat ng national government executive agencies, GOCCs, state universities and colleges.
Hindi covered dito ang senado, kongreso at judiciary.
Ang local government units hinihikayat na obserbahan at maging gabay ang nasabing batas.
Kabilang sa mga impormasyon na sakop nito ay official or public records, documents, transcripts, papers, photos, film, sound and video recording, electronic data on official acts, transactions, decisions, research data.
Masusing pinag-aaralan ang paghahayag sa publiko ng mga impormasyon na isinasaad sa Saligang Batas kabilang ang mga aspektong may kinalaman sa national security, public safety, diplomatic relations, individual privacy, intellectual property and business proprietary rights, privileged communication (lawyer-client, doctor-patient).
Sa Executive Order na nilagdaan ni Digong, walang FOI request na maaaring i-deny para pagtakpan ang isang krimen, graft and corruption, o tanggihan ang paghahain ng pormal na kahilingan lalo’t hindi ito lumalabag sa batas at sa iba pang rules and regulations.
Mahigpit namang ipinagbabawal ang pagle-leak ng personal na impormasyon na maglalantad sa isang tao sa panlalait, pandarahas at iba pang aksiyon na lalabag sa umiiral na kaasalan.
Libre umano ang paghahain ng pormal na kahilingan sa pagkuha ng impormasyon pero babayaran ang pagpapakopya ng hinihiling na materyal o dukumento.
Ang kahilingan ay dapat na sagutin sa loob ng 15 working days kung granted o denied. Ang apela ay maaaring ihain sa loob ng 15 calendar days at kailangan maresolba sa loob ng 30 araw. Maaaring iakyat sa korte ang apela.
‘Yan po ang garantiyang ipinagkakaloob ng FOI ni Digong.
Puwedeng sabihin na eksperimental ito pero puwede rin tawagin na pansamantalang garantiya sa transparency.
Dahil epektibo lang ito sa executive branch at mga tanggapan sa ilalim nito, abangan natin kung ‘mahihiya’ ang Senado at Kongreso para i-adapt at amyendahan ang EO ni Pangulong Digong nang sa gayon ay tuluyan na itong maisabatas…
O puwede rin naman na gamitin nila ang EO ni Digong para proteksiyonan ang kanilang interes lalo na kung sagad-sagaring ‘trapo’ o traditional politician ang mambabatas.
Sabi nga, it’s either way, kaya mag-aabang ang publiko kung ano kahihinatnan ng EO sa FOI ni Digong.
Wish lang natin na sana ay may datnan ng kahihiyan.
‘Yun lang.
UTOL NG TALUNANG VP
NAGWALA SA AIRPORT
Mabuti na lang talaga at hindi namin ibinoto ang isang kandidatomg vice president nitong nakaraang eleksiyon.
Aba ‘e, mantakin ninyong talunan na nga, nakuha pang magwala ng kanyang utol sa Airport.
E paano pa kung nanalong VP ang utol niya?! Baka pinatanggal pa sa trabaho ‘yung mga pobreng Customs officials and employee.
To make the long story short…
Dumaan ang bagahe ng utol ng talunang VP sa X-ray ng Customs.
Ngayon, may nakitang kaduda-dudang imahe na subject for inspection.
Kaya hiniling nila sa kapatid ng Senador na buksan ang bagahe.
Aba nagalit si utol ng talunang VP at biglang nagmura?!
At kahit ano raw ang mangyari, hindi siya papayag na buksan ang kanyang bagahe.
Wattaheck!
Ano kaya ang itinatago ng utol ng talunang VP at ayaw niyang pabuksan ang kanyang bagahe?!
Meron ba siyang dapat ika-guilty?!
Kung wala namang kontrabando bakit ayaw pabuksan?!
Sonabagan!
Paki-explain!
ALIAS ‘WONG FEI HONG’
NG MPD FINANCIER NG TONGPATS
Isang pulis na nasa bakuran ng Manila Police District ang sika na sikat na financier ng tongpats sa lungsod ng Maynila.
Siya raw ang may hawak ng prangkisa ng kotong sa MPD HQ.
Kaya gusto natin ipakilala kay Chief PNP DG Ronald ‘Bato’ Dela Rosa si alias SPO-TRES WONG-BO na nagyayabang na P50M kada buwan ang kaya niyang ipakolektong mula sa illegal gambling, prostitution dena, fixers ng fake diploma, illegal terminal, illegal vendor at sa mga music lounge, karaoke at illegal drugs.
Maraming dumaan na district director ng Manila Police District pero itong si alias WONG FEI HONG ay hindi natitinag bagkus inaalagaan siya ng mga opisyal ng MPD dahil sa malaking perang ipinupuhunan niya sa mga kolektong.
MPD DD Gen. Jigz Coronel, kaya mo bang kalusin ‘yan si WONG-BO!?
ROBLES ‘D BAGMAN POLICE
NANAWAGAN ho kami na ipa-lifestyle check ni CPNP Bato itong si Robles na hindi nagtatrabaho bilang pulis kundi pagiging bagman lang ang inaatupag. +63915330 – – – –
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com