Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Bagong Manila Civil Registrar Chief binabayo na ng intriga

IBA talaga kapag ang isang puno ay hitik sa bunga.

‘Yan ang nararanasan ngayon ng isang Manila city hall official na pilit ibinabagsak ng ilang mga intrigero at intrigera.

Unang ikinapit sa pangalan ng opisyal na ito ang kontrobersiyal na singilan at kikilan sa mga vendor.

Nitong June pa lang nagsisimula si Sir Joey bilang hepe ng civil registrar ‘e napukol na agad ng isyu sa mga kotongan sa vendor?!

Palibhasa, kamakailan lang ay nagsalita si Sir Joey na nais niyang linisin ang kanilang tanggapan laban sa mga fixer na nagpapahirap sa maliliit nating mga kababayan.

Plano rin kasi ni Sir Joey na ibaba ang singil, kung maaari ay P100 na lamang, para doon sa mga naglalakad ng kanilang papeles.

Marami talagang mga kababayan natin ang nagugulat kapag natutuklasan nilang maraming mali sa kanilang mga birth certificate.

Karamihan sa mga naglalakad ng ganyang papeles ay ‘yung mga mag-a-abroad o ‘yung mga magreretiro na sa kanilang trabaho.

072516  manila city hall

Marami ang natatagalan na matapos ang kanilang mga requirement kasi nga kapos sa paggastos sa pagpoproseso nang ganyang mga lakarin.

Aba ‘e ang layo nga naman ng gawain ng hepe ng civil registrar sa pang-iintriga na si Sir Joey ay ‘patong’ sa mga vendor?

Marami kasi ang tatamaan sa isinusulong na ito ni Sir Joey kaya naniniwala siyang iyon ang puno’t dulo ng ginagawang panggigiba laban sa kanya.

Totoo ‘yan!

Hindi lang iilan tapat na city hall official kay Erap ang nakararanas nang ganyang mga kontrobersiya lalo na kapag makatutulong sa pagpapaganda ng imahe ng city hall.

Aba Mayor Erap, mukhang marami ang umaangal na tulisan sa city hall kapag may nagtatrabahong matino sa administrasyon ninyo?

Puwede bang alalayan naman ninyo ang mga taong nagmamalasakit hindi lang sa administrasyon ninyo kundi maging sa mga Manilenyo?!

Tiyak panalo ka diyan Mayor Erap!

SEN. WIN GATCHALIAN, EX-CONG.
PICHAY ISINAILALIM NA SA HDO

072516 Pichay Gatchalian

Ito naman ‘yung kasabihan na kapag wala ka sa ‘power’ tiyak na ikaw ay masisingil.

Ganyan naman ngayon ang kinasasadlakan ni dating Cong. Pichay at ng pamilya Gatchalian.

Kamakailan ay naglabas na ng hold departure order (HDO) ang korte para hindi makapuslit ng bansa sino man sa mga akusado sa ilegal na pagbili ng isang naluluging thrift bank gamit ang pondo ng Local Water Utility Administration (LWUA).

Aba kapag nagkataon ay mauubos ang pamilya Gatchalian mula sa ama, ina at mga anak na ngayon ay nasa iba’t ibang elected post?!

Ang sabi ‘e when it rains, it pours…

Totoo sa mga Gatchalian ‘yan!

Lahat sila ay nanalo nitong nakaraang election…

Pero minalas dahil nagbaba na ng order ang Sandiganbayan.

Papayag ba si Madam Conchita Caprio Morales na balewalain lang ng pamilya Gatchalian ang kanyang rekomendasyon sa Sandiganbayan!?

‘Yan po ang aabangan natin.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *