Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Chinese drug lord patay, 5 arestado sa shabu lab

072316 shabu lab arrest
ARESTADO ang limang Chinese national kabilang ang dalawang babae, habang isa ang namatay makaraan lumaban sa mga pulis sa pagsalakay ng mga awtoridad sa isang hinihinalang shabu laboratory sa Santiago St., Brgy. Lingunan, Valenzuela City. ( RIC ROLDAN )

PATAY ang isang Chinese national habang lima pa ang naaresto ng mga awtoridad sa pagsalakay sa isang shabu laboratory sa Valenzuela City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang napatay na si Mico Tan, nasa hustong gulang, residente ng 21 Pinagbayanan St., Brgy. Lingunan ng nasabing lungsod.

Habang arestado ang limang iba pang kinilalang sina Xiong Bo He alyas Jerry Ho, 45; Xiao He, 41; Hao He, 20; Bea Payas, 41; at Yinglie Xu alyas Henry Co, 39, pawang naninirahan din sa naturang lugar.

Napag-alaman, dakong 4:30 am nang magkaputukan ang napatay na suspek at mga tauhan ng Highway Patrol Group (HPG) sa Plastic City Avenue, Brgy. Veinte Reales, Valenzuela City.

Bago ito, armado ng warrant of arrest, sinalakay ng mga tauhan Anti-Illegal Drugs-Special Operation Task Force (AID-SOTF) ng Camp Crame ang shabu laboratory sa isang bodega sa Santiago St., Brgy. Lingunan.

Nahuli sa operasyon ang limang chinese national at nakuha sa shabu laboratory ang mga kemikal na ginagamit sa paggawa ng ng shabu, aabot sa ilang milyong piso ang halaga.

Gayonman, mabilis na sumakay si Tan sa kanyang Honda Civic at tumakas ngunit nakahingi ang mga awtoridad ng responde sa HPG na agad humabol sa suspek.

Nang maabutan ay nagpaputok ang suspek kaya gumanti ng putok ang mga awtoridad na nagresulta sa kanyang pagkamatay.

Nakuha sa pag-iingat ni Tan ang isang backpack na naglalaman ng anim plastic ng hinihinalang shabu na tinatayang aabot sa milyon-milyong piso ang halaga.

Napag-alaman sa mga awtoridad, si Tan ay kilalang operator ng shabu laboratory sa Naic, Cavite at siya rin sinasabing ang nagpapatakbo ng isa pang laboratoryo ng droga sa Scout Chuatoco sa Quezon City.

( ROMMEL SALES )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …