Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Intelligence work kontra ilegal na droga dapat tuloy-tuloy

ARAW-ARAW maraming sumusukong adik at tulak.

Sabi nga ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, kailangan niyang maghanap ng malaking budget para maiproseso ang rehabilitasyon ng mga sumusukong adik.

Nagkakaisa po tayo sa pananaw na ‘yan.

Ang mga adik ay kailangang isailalim sa rehabilitasyon.

Ang tanong po ng mga kababayan natin ngayon, ano naman po ang gagawin ng administrasyong Duterte sa mga bigtime pusher?

At paano po makokompirma na bigtime pushers nga ang subject?!

Wala po sigurong pinakamagandang paraan kundi maging tuloy-tuloy lang ang intelligence work.

Tukuyin kung saan kumukuha ng ilegal na droga ang mga sumukong adik hanggang matumbok ang pinakamalaking source nito.

Wala tayong nakikitang duda o kahit katiting na pag-aalinlangan sa determinasyon ngayon ng Duterte admin katuwang ang Philippine National Police (PNP) sa pamumuno ni DG Ronald “Bato” Dela Rosa na sugpuin ang pamamayagpag ng ilegal na droga sa bansa.

Hangad natin na magwakas ang labanang ito sa pagsuko ng maliliit na tulak para eventually ay maiharap sa korte ang malalaking source ng ilegal na droga.

Alam nating lalaban sila dahil sandamakmak ang kuwarta nila na kaya nilang ipambayad sa serbisyo ng abogado at baka maglagay pa sa mga fixer sa korte.

071216 PNP DILG Napolcom police

Gagawin nila ang lahat para linisin ang kanilang sarili sa pamamagitan ng batas at korte.

Kaya sana naman maging matalino ang piskalya sa prosekusyon ng mga kasong kinasasangkutan ng ilegal na droga.

Ang tuloy-tuloy na prosekusyon ay legal na paraan para maipagtanggol ng suspek ang kanilang sarili.

Pero dapat makipagtulungan ang mga alagad ng batas at iba pang law enforcement  agency upang tuluyang mapawi ang pag-aalinlangan ng ilang sektor sa isinusulong na paglilinis kontra ilegal na droga ng Duterte admin.

Dapat maintindihan ng mga opisyal at operatiba ng PNP na gagawin ng drug syndicate ang lahat upang sirain ang kanilang kredebilidad at operasyon.

Dudurugin sila sa harap ng sambayanan upang sa huli ay wala nang maniwala sa isinusulong nilang kampanya laban sa ilegal na droga.

Uulitin po natin — hindi lang mga pulis ang naglulunsad ng operasyon ngayon — mas masidhi ang operasyon ng drug syndicate na itumba ang mga nakakikilala sa kanila.

Kaya dapat bilis-bilisan ng PNP intelligence group ang pagsudsod dahil kung hindi mawawalang saysay ang maigting na kampanya ng Pangulo para linisin sa ilegal na droga ang ating bansa.

NUMERO UNONG DRUG
LORD SA PATEROS 072216 drug lord

Ibang klase pala riyan sa Pateros.

Nabubuhay sa sindak ang mga mamamayan sa Pateros dahil ang numero unong drug lord sa kanilang lugar ay malayang nakagagala kung saan-saan.

Ipinagmamalaki umano ng isang alyas LEN BAKAL na hindi siya kayang galawin dahil utol siya ng isang malaking politiko sa kanilang lugar.

Kasabwat umano nitong salot na si alyas Bakal ang isang nagpapakilalang Kagawad JE-RYEL.

Kung may utol nga sa city hall na ginagamit na birtud nitong sina Bakal at Je-ryel ay naniniwala nga tayo na untouchable ang pagtutulak nila?

Masyado bang mabagsik na parang asong German Shepherd ang panangga nila laban sa matinding kampanya kontra droga ng Duterte admin?

By the way, ano naman ang ginagawa ni Mayor Miguel “Ike” Ponce para labanan ang talamak na operasyon ng ilegal na droga ni alyas Bakal at Je-ryel?

Takot rin ba sa mabagsik na ‘German Shepherd’ si Mayor Ike?

Naku ayaw ni Inday Sara na maging ka-liga sa Mayor’s League ang mga yorme na walang yagbols! Paging Mayor Ike Ponce!

NINJA IN TANDEM
NASA QCPD PA RIN

042016 PNP QCPD

Hindi pa raw pala naipadadala sa Mindanao ang pulis na Ninja-in-tandem sa Quezon City Police District.

Mukhang may kailangan pa silang panagutan kaya hindi pa puwedeng sipain patungong Mindanao.

Aba, ‘yung isa sa mga biktima nila ‘e hindi malimutan kung paano nila tinangkang kikilan ng 3M as in tatlong mansanas.

Mayabang pa ‘yun isang pulis-Ninja na sinabihan ang kaanak ng biktima nila na kausapin na lang daw sila ng abogado para maayos na ang problema?!

Sonabagan!!!

Mga batang-batang lespu raw ‘yang Ninja-in-tandem na ‘yan pero hayup sa lakas dumilehensiya!

NCRPO director Gen. Oscar Albayalde, Sir, kailan ba n’yo ipadadala sa Mindanao ang dalawang pulis-Ninja ng QCPD!

SAME OLD FACES
ON MORENTE’S RESHUFFLE

070516 immigration

Nitong nakaraang linggo ay sunod-sunod na Personnel Orders ang ipinalabas ng Bureau of Immigration at kasama rito ang sandamakmak na appointments, transfer, reassignments and other personnel actions.

Maraming namangha dahil parang minadali at hindi pinag-aralan ng mga kasalukuyang nakaupo diyan sa Office of the Commissioner ang mga nabanggit na movement.

We are not against the policy of the present BI commissioner to impose undertakings, innovations and other actions na alam naman ng lahat na kanyang prerogative.

Maaaring ito rin ang paraan niya para ipatupad ang pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte bago siya manalong presidente na “Change is Coming.”

Waaaaaw!

Pero ang totoong kagulat-gulat ay kung bakit parang wala naman yatang “CHANGE”  pagdating sa mga tao na isinalaksak sa puwesto?

Tama ba ang obserbasyon ng BI employees, Atty. Norman ‘all-weather’ Tansinco?

Parang sila rin yata ang mga tao noon na nasa puwesto ngayon lalo na ‘yung terminal heads, airport supervisors at TCEU supervisors/members?

They are the same persons na nagdulot ng katakot-takot na problema at asunto sa inyong minamahal na commissioner pabebe boy noon!?

Very familiar ang mga pangalang Acuña, Timtiman, Ruiz, Miraflor, Relatos, Golimlim, Pascua, Dimandal, Villa, Reuyan, Imperio, Guerra, etc.

Karamihan sa mga ibinalik n’yo sa puwesto riyan sa airport ay ‘yung mga asap mo ay terorista?

Bakit terorista?

Dahil ‘yang mga taong ‘yan ay ‘yung mga tinaguriang terror!

Terror sa mga Pinoy na inalisan nila ng karapatan para lumabas ng bansa (constitutional right to travel); terror sa pakikisalamuha sa mga dayuhan at iba pang pasahero; terror din pagdating sa kabastusan at pagkawalang-modo; at terror lalo na sa pakikipagkapwa-tao.

‘Yan ang mga pangunahing characteristics ng mga opisyal na ibinalik sa puwesto para makontrol sa paraang gusto ng grupong namamayagpag ngayon?

It is very doubtful if the good Commissioner Jaime Morente is well-informed about those people.

Well, Sir Morente, sa  mga taong ‘yan nakanal nang wala sa oras ang inyong good friend na si ex-commissioner SiegFraud ‘este’ Siegfred Mison?!

Ewan lang po kung sinabi sa inyo nina Atty. Tonettesky at Tansinco?

Hangad lang naman natin na maging matagumpay at maayos ang administrasyon ninyo Mr. Commissioner!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *