Thursday , December 19 2024
dead gun police

Bday party sa sementeryo niratrat 5 patay, 1 sugatan

PATAY ang lima katao, kabilang ang isang mag-ina, pawang hinihinalang drug personalities, habang isa ang kritikal makaraan pagbabarilin ng apat lalaking lulan ng dalawang motorsiklo habang nagdiriwang ng birthday party sa loob ng sementeryo kahapon ng madaling-araw sa Malabon City.

Kinilala ang mga namatay na sina alyas Peter Bakla; Fe Nicanor, 43; alyas Ate Baby; Myrna Moon, 50, at anak niyang si Edmund Otico, 28-anyos, habang ang isa pa niyang anak na si Edmer Otico ay malubha ang kalagayan sa Tondo Medical Hospital.

Sa ulat nina PO2 Julius Mabasa at PO1 Jose Rome Germinal, dakong 12:30 am kahapon habang nagdiriwang ng kaarawan si Edmund sa musuleo sa loob ng Tugatog Cemetery nang dumating ang dalawang motorsiklo lulan ang apat lalaking naka-bonnet at walang sabi-sabing pinaulanan ng bala ang mga biktima.

Bago tumakas ang mga suspek, nag-iwan sila ng isang bond paper na may nakasulat na katagang “Pusher kami, ‘wag tularan”, at “Sunod na kayo, papasok kami jan”.

Aminado ang isa pang anak ni Myrna na sangkot sa illegal drug trade ang kanyang ina at ang dalawa niyang kapatid ang tagabenta.

Habang ayon sa mga residente, ang sementeryo ang nagsisilbing bentahan ng ilegal na droga sa kanilang lugar.

( ROMMEL SALES )

8 TIKLO SA POT SESSION

BUMAGSAK sa piitan ang walong indibidwal, kabilang ang isang hinihinalang gunrunner, makaraan maaktuhan ng mga tauhan ng Regional Police Intelligence Operation Unit (RPIOU) ng National Capital Region Police Office (NCRPO) habang sumisinghot ng shabu sa loob ng isang bahay sa Taguig City kahapon.

Nahuli habang nagbebenta ng isang kalibre .45 baril ang suspek na si Jefferson Yanilla, 37, vendor, ng 34 Luzon St., Zone 5, Brgy. Central, habang arestado sa pot session ang mga suspek na sina Rowena Basagan, 45; Ivy Aragon, 31; Herve Pili, 38; Ricardo Tolentino, 26; Rex Bryan Ventura, 28; Rommel Viñas, 19; at Melvin Basagan, 18-anyos.

( JAJA GARCIA )

100% NG MM PROBLEMADO SA DROGA

KINOMPIRMA ng pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na halos 100 porsiyento ng Metro Manila ang may problema sa ilegal na droga.

Ayon kay NCRPO director, Chief Supt. Oscar Albayalde, nasa 1,706 barangays sa Metro Manila o 92 porsiyento ang apektado ng ilegal na droga.

Sinabi ni Albayalde, dahil sa laki ng populasyon, ang lungsod ng Maynila at Quezon City ang may pinakamalaking problema sa illegal drugs.

Aniya, ginagawa na ng pulisya ang lahat para paigtingin pa ang kanilang anti-illegal drug campaign lalo na sa barangay level.

Habang kompiyansa si Albayalde na nami-meet nila ang kanilang target na sa loob ng anim buwan ay mareresolba na ang problema sa droga.

Binigyang-diin ng heneral, sa nangyayaring developments ngayon ay walang duda na kaya nilang maresolba ang problema sa ilegal drugs.

About Rommel Sales

Check Also

Honey Lacuna PBBM Bongbong Marcos Manila mackerel

Mula kina PBMM at Mayor Lacuna
Kompiskado, ismagel na mackerel ipinagkaloob sa mga residente ng BASECO at Tondo sa Maynila

PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna – …

Bulacan Police PNP

Anti-crime raid ikinasa sa Bulacan; 15 pugante, 4 tulak timbog

NASAKOTE ang may kabuuang 19 mga indibidwal, kung saan 15 ang mga wanted person at …

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

121324 Hataw Frontpage

Zamboanga jamborette ipinatigil
3 BOY SCOUTS NAKORYENTE SA TENT PATAY
10 sugatan naospital

HATAW News Team TATLONG miyembro ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) ang namatay sa …

121324 Hataw Frontpage

Disqualified si Marcy Teodoro — Comelec

IDINEKLARANG diskalipikado at hindi na maaaring tumakbo bilang kinatawan ng Unang Distrito ng Marikina si …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *