Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Si Presidente Digong Duterte lang ang nakaintindi ng ibig sabihin ng “executive”

NGAYON makikita ng sambayanang Filipino kung ano ang ibig sabihin ng “executive.”

Tanging si Presidente Rodrigo “Digong” Duterte lang ang mayroong sapat na tapang, lakas, karunungan at pang-unawa para maliwanagan ng mga mamamayan kung ano ang ibig sabihin ng “executive.”

Siya ang presidente na hindi order nang order lang kundi kasunod ay aksiyon.

Hindi siya nagsasabi na gagawa siya ng batas, kundi ipinapatupad niya ang batas.

Sinabi niyang isusulong niya ang pinakamatinding giyera laban sa droga, hindi ba’t nangyayari na?!

(Sana lang mabingwit din ng operatives ‘yung talagang mga bigtime pusher).

Ngayon, sinasabi niyang bubusisiin niya ang pondo ng local executives lalo na ‘yung intelligence fund na hindi alam kung saan napupunta.

Grabe kasi ang pagkadesmaya ni Presidente Digong sa napakaruming Metro Manila.

‘Yung kahit saan siya masuling ‘e nakakikita siya ng tumpok ng basura. At malamang na nakita niya ‘yan diyan sa paligid ng Malacañang.

Mula Airport hanggang Malacañang tiyak nakitang lahat ‘yan ni Digong. Kaya siguro dumadalas ang pagsakit ng ulo ng presidente.

Hindi nga raw niya kasi maintindihan kung bakit natitiis ng isang local executive na makakita ng sandamakmak na basura sa kanilang lungsod.

070516 Malacañan duterte

Oo nga naman, daan-daang milyon ang pondo ng bawat bayan at lungsod sa garbage contractor/collection, ‘yung ibang siyudad nga, gaya ng Maynila ay bilyones na yata ang budget sa garbage contractor, pero hindi man lang tayo makakita ng kalye na walang kabasu-basura.

Suwerte nang makakita ng 10 truck na naghahakot kapag oras na nang hakot ng basura sa bawat distrito.

Kaya nga patok na patok ang kasabihang, may pera at may kumita nang malaki sa basura, kasi marami nang local executives ang tumiba riyan.

Mas malaki pa kasi ang tongpats (SOP) kaysa operational budget.

Meron ngang kompanyang nanalo sa bidding kahit walang truck na panghakot ng basura at wala rin paglalagyan ng hinakot na basura.

Kumbaga, kapag nakahakot nang isa, hindi na bumabalik.

At wala namang sumisita kung bakit hindi nahahakot ang basura.

Kasi ang importante, nahakot na nila ang komisyon at tongpats nila.

Ngayon, tingnan natin kung lulusot kay Digong ang mga bayan o siyudad na burara sa basura pero masinop sa bulsa.

Paano kaya sasampolan ni Digong ang mga local executives na ‘matakaw sa basurang’ ginagastusan nang daan-daang milyon?!

Dapat ang mga local executives na mapapatunayang kumita sa basura ‘e ilagay sa smoke chamber na ang methane gas ay mula sa basura.

Sampolan na ‘yan!

SONANG SIMPLE’T WALANG GARBO,
SANA WALA RIN CAR SHOW

071016 duterte congress kamara

Tiyak na walang kikitain ngayon ang mga couturier sa unang State of the National Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Mahigpit ang utos ni Digong, walang magsu-suot ng magagarang gowns sa kanyang SONA.

Kaya namomroblema ngayon ‘yung mga walang simpleng gown at damit kasi hindi nila alam kung ano ang kanilang isusuot.

Mukhang wala silang ‘vision’ kung ano ang itsura ng simple. Anong alahas ang isusuot na hindi magiging magarbo sa paningin ng Pangulo.

Mahirap nga naman na masita ka pa ng ating Pangulo sa kanyang SONA.

‘E kapag namroblema sila nang ganyan, malamang kumuha pa rin sila ng serbisyo ng couturier.

Sapatos? May magsuot kaya ng gawang Marikina?

E paano kapag regular na sesyon na, ano na ang isusuot ng mga mambabatas na hindi sana’y magsuot ng simpleng kasuotan?

Araykupo…

Pero bukod sa hindi magarang damit at alahas, puwede kayang wala na rin car show?

Malamang kasi na sandamakmak na magagarang kotse (SUV) na naman ang makikita na pumapasok sa Kongreso at pumaparada riyan.

Ganyan kasi sila kayaman sa Kongreso.

Take note lang po Mr. President.

ERRATUM
(Paging Parañaque City police
chief S/Supt. Jose Carumba)

071616 parañaque police car 3134

Correction lang po, Parañaque City Police chief, S/Supt. Jose Carumba, hindi po pala  Mobile Car 3134 kundi police mobile car 313-A ‘yung nagdelihensiya at namilit mangikil ng P100 doon sa driver ng sasakyan na hinahatak ng towing truck na nangyari nitong nakaraang Biyernes (Hulyo 15, 2016).

Attention lang po, Kernel Carumba, baka isang araw kayo pa ang maputukan ng mga kalokohan niyang mobile police ninyo!

MABILIS MAGTRABAHO O MAGALING
MAG-RECYCLE NG ‘PRAISE’ RELEASE
SI ATTY. TONETTE MANGROBANG?

070516 immigration

Hindi natin alam kung mabilis talagang magtrabaho si BI spokesperson Atty. Tonette Mangrobang o gusto lang magpa-impress at magpasiklab kay bagong Bureau of Immigration Commissioner Jaime Morente.

Wala pang isang buwan na nakauupo si Morente bilang Commissioner ‘e mantakin ninyong nakahuli na raw agad ng 514 pedophiles o foreign sex offenders?

Talagang parang “choir in unison” na napa-ha ang mga empleyado, at napasabi ng…”Ang bilis! Accomplishment agad-agad?!”

‘Di ba gasgas na gasgas na ang praise press release na ‘yan noong panahon pa ni Ric David at Fred Mison?!

‘E di dapat sina David at Mison ang pinapurihan mo, Madame Tonettesky!?

Hindi naman daw pala huli, ‘yan daw ang bilang ng mga pedophiles na hindi papasukin in line sa intensified campaign against child sex tourism.

E ang tanong, hindi kaya ini-recycle ni Atty. Mangrobang ang ‘praise’ este press release na ‘yan para magpa-impress rin kay Pres. Digong Duterte?

Bakit hindi ‘yung paglilinis sa loob ng Bureau ang i-press release ninyo, Attorney Mangrobang?

O ‘yung pagpapatalsik o pagbabawal na makapasok sa main building ng BI ang dalawang notorious na fixer (BETTY CHUWAWA at ANNA SEY) na may dalang vouchers or gift check mula sa Yellow Cab at Vikings MOA.

‘Yan ang tunay na pagbabago!

In short, Attorney Mangrobang, bilang spokesperson, dapat klaro sa iyo ang objective at prinsipyo ng bossing mo sa pamumuno.

Hindi ‘yang bira nang bira ka lang na parang nasa talampakan ang kukote.

‘Yung mga ganyang pronouncement pang-raket ‘yan hindi panghihikayat ng pagbabago sa loob ng Bureau.

Simulan mo sa sarili ang pagbabago Atty. Mangrobang, huwag mong sayangin ang oportunidad na naibalik ka sa puwestong ‘yan.

In short, magtrabaho ka nang tama, ‘wag epal-epal lang!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *