Friday , November 15 2024

Walang katapusang pang-aapi ng China

FILIPINAS ang kinatigan ng United Nations tribunal sa The Hague sa isyu ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea, at nagpahayag na walang legal na batayan ang pag-angkin ng China sa karagatang pasok sa exclusive economic zone (EEZ) ng ating bansa.

Sa kabila nito ay binalewala ng China ang desisyon at patuloy pa rin sila sa pang-aapi at pambabastos sa kawawa nating mangingisda.

Noong Huwebes, dalawang rubber boat ng China Coast Guard (CCG) ang sapilitang nagtaboy sa mga mangingisdang Filipino at pinigilan silang makalapit sa Panatag Shoal.

Gustuhin man ng mga Filipino na ipaglaban ang karapatan batay sa desisyon ng tribunal ay hindi nila nagawa. Sa likod kasi ng mga bangka ay mas malaking barko ng CCG na handang kumilos sakaling hindi sila sundin ng mga mangingisda.

Ayon sa gobyerno, puwede nang pumunta sa Panatag Shoal ang ating mga mangingisda. Ang paalala lang ng gobyerno ay mag-ingat daw sila.

Ano ito?  Pinapayagan ng pamahalaan ang ating mga mangingisda na pumalaot sa karagatan ng Panatag Shoal upang ipagpatuloy ang kanilang kabuhayan nang hindi man lang sila sinasamahan?

Hindi mapipigilan ang China sa pananakot at pambu-bully sa ating mga mangingisda batay sa desisyon ng arbitrary court na hindi nila kinikilala.

Kung hindi rin lang kaya ng mga awtoridad na samahan ang mga mangingisda natin na pumunta sa Panatag Shoal ay huwag nilang payagan.

Patuloy lang na malalagay sa peligro ang buhay ng ating mga kababayan kung hahayaan silang kumilos nang sila-sila lang.

Binomba na sila ng tubig ng China noong 2013 at inakala ng mga mangingisda na hindi sila makaliligtas. Wala silang nagawa kundi lumayo sa lugar at umuwi nang luhaan. Halos mabalatan daw sila sa sobrang lakas ng buga ng tubig.

Ngayong 2016 na naibasura ng korte ang claim ng China sa West Philippine Sea ay inakala ng ating mga mangingisda na maibabalik na rin ang karapatan nila sa sarili nating karagatan nang walang kinatatakutan, pero bigo pa rin silang umuwi.

Aminin natin na walang kakayahan ang Filipinas na tapatan ang puwersa ng China sa mga armas at bilang ng militar.

Pero alalahanin na puwede tayong humingi ng suporta sa mga kaibigang bansa upang mapilitan ang China na sumunod sa desisyon, dahil kabilang ito sa mga lumagda sa United Nations Convention on the Law of the Seas (UNCLOS).

Pigilan ang China sa walang katapusang pang-aapi sa ating mga kababayan.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

FIRING LINE – Robert B. Roque, Jr.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *