KAPAG nagpapakita talaga ng tapang at malasakit ang isang presidente, tiyak na ganoon din ang gagawin ng kanyang mga Gabinete.
At isa na sa kanila si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Gina Lopez na talagang humahataw ngayon laban sa mga mapang-abusong Chinese mining companies.
Kung hindi tayo nagkakamali, apat na Chinese mining companies na ang ipinasuspendi ni Envi Sec. Gina Lopez diyan sa Zambales.
Lahat sila ay may export activities patungong mainland China.
Sabi nga ni Envi Sec, “Our people’s well being is more important than the money you make. If you want your money, go home bye bye!”
Gusto nating ipaalam kay Madam Gina na hindi lang sa Zambales ‘yan, marami rin ‘yan sa Mindanao.
Naalala nga ng inyong lingkod noong nasa isang hotel kami sa Surigao, naitanong namin kung bakit maraming Chinese nationals sa nasabing hotel.
Inakala pa nga naming turista sila.
Pero sabi sa atin mismo ng hotel manager, hindi sila turista kundi mga Chinese miners sila.
Sonabagan!!!
Pati raw kasi mga nagtatrabaho sa minahan, lalo na sa black sand mining ay galing pa sa China.
Lahat ng nakukuha nilang produkto o likas-yaman ay ipinadadala sa China.
Tama ba ‘yun?!
Pumasok sila rito na laway lang ang dala konting salapi tapos pinapayagan wasakin ang ating kapaligiran at ang likas-yaman ay dinadala sa kanilang bansa?!
Wattafak!
Gobyernong Intsik lang ang nakinabang at hindi ang gobyernong Filipino.
Sana nga ay magtuloy-tuloy na ang paghihigpit na ito ni Envi Sec Gina Lopez.
Lalo na sa black sand mining. Marami po ‘yan sa Norte at Mindanao.
Alam nating hindi ganoon kadali ang paglilinis na ‘yan pero malaking bagay kung mauumpisahan ngayon.
Go, Envi Sec. Gina Lopez!
MAGKANO BA ANG “PARATING”
SA PCP LAWTON, MASA AT MTPB
NG ILLEGAL TERMINAL SA LAWTON?
Kung busalsal ang bibig ng mga barangay official na nakasasakop sa Plaza Lawton dahil hindi sila kumikibo at kumikilos laban sa illegal terminal diyan, ganoon din kaya ang MPD PCP Lawton, ang MASA ng City Hall at ang Manila Traffic Parking Bureau?!
Magkano ‘este’ ano ba talaga ang dahilan S/Insp. Robert Bunayog at hindi kayo umaaksiyon laban sa illegal terminal na nakapaligid diyan sa inyong PCP?!
Wala ka bang magawa dahil ayaw ipagalaw ng City Hall at MPD?
O wala kang magawa dahil ayaw mong galawin!?
Aba ‘e sa ‘praise’ release ng mga taga-City Hall ‘e panay daw ang linis nila ng illegal terminal at illegal vendors sa Tondo, Divisoria, Paco, Sampaloc, Pandacan etc., pero bakit ‘yung Lawton hindi nila malinis-linis?!
Special ba kay Mayor ‘yan???
Aba ‘e gusto na natin maniwala na ayos na ayos sa illegal terminal operator ang PCP Lawton, MASA at MPD…
Ano sa palagay ninyo, S/Supt. Jigz Coronel!?
PAKISAGOT DFA
SEC. PERFECTO YASAY
Dear Mr. Yap:
Nagtataka lamang ako kay Foreign Affairs Secretary Perfecto R. Yasay Jr., kung saan niya nakuha ang datus tungkol sa Bajo de Masinloc (Scarborough Shoal) na nasasakupan daw ng International waters.
Samantala may pruweba tayo na nasasakupan ito ng ating hangganan base sa Murilla Map noong panahon pa ng Espanyol ginawa ang nasabing mapa.
Kasama ang mapang ito na isinumite sa Permanent Court of Arbitration sa The Hague. Kasama pa rin sa ating EEZ ang shoal na iyon.
Tila ‘ata kino-contradict niya ang posisyon ng dating Aquino Administration? Hindi kaya kinakampihan na niya ang China dahil sa proyektong railway transit?
Nagtatanong lang naman tayo.
JOSELITO A. MAMARIL
Pasay City
[email protected]
MGA TULAK SA BASECO
IPINALILINIS
KA JERRY, dto sa amin sa Baseco mahina ang operation ng mga pulis laban sa mga pusher. Takot ba sila sa isang opisyal sa barangay na patong diyan sa mga tulak? +63918 ***—**—**