Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

STL Bookies, Jueteng ni C-zar San-ches namamayagpag sa buong Batangas

ISA raw sa mga nagdiriwang sa pagtutuon ng Duterte administrasyon sa kampanyang ilegal na droga ang isa sa bigtime gambling lord na kung tawagin ay alias C-Zar San-Ches.

S’yempre nga naman, dahil abala ang timon ng Duterte admin at Philippine National Police (PNP) sa pagpuksa sa ilegal na droga, tuloy-tuloy lang ang operasyon ng STL cum jueteng.

Isa umano sa ipinagmamayabang na teritoryo ni CZAR ang Lipa, Batangas. Maging ang ibang gambling lord ay nagtataka sa bilis ng paglago ng kuwarta ni CZAR.

Itinuturing siya ngayong pinakamalaking gambling lord dahil mahina ang P1.5 hanggang P2 milyones na kobransa kada linggo ang sumesentro sa kanya sa STL cum JUETENG sa LIPA City at iba pang lugar sa Batangas.

07816 JUETENG

Milyon-milyon na ang pinag-uusapan dito na ang ibig sabihin, sandamakmak ang mananaya!

Wattafak!

Droga lang ba ang ilegal, PNP chief, DG Ronald “Bato” Dela Rosa?

Mukhang nalilimutan po ninyo ang illegal gambling na pinagkukuhaan naman ng lakas at kapangyarihan ng ilang local government officials?!

Hindi nga ito sintindi ng ilegal na droga pero sagabal din ito sa tunay na pag-unlad ng mga mamamayan.

Pakibusisi lang po ‘yang si CZAR SAN-CHES ng Lipa, Batangas!

BAKIT PURO MAHIRAP
ANG MGA SUMUSUKONG
DRUG ADDICTS?

070216 shabu drug arrest

To date, halos 18 araw na mula nang manumpa si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte…

Marami na ang ‘natumba’ at ‘yung mga ayaw pang mamatay ay sumuko.

‘Yung mga namamatay s’yempre sa sementeryo ang punta.

‘E how about ‘yung mga sumuko? Saan sila nagsisipunta pagkatapos pumirma ng waiver o panunumpa na hindi na uulit at makikipagtulungan sa gobyerno sa pagsugpo ng ilegal na droga?

Pansinin din na karamihan sa mga sumusuko ay ‘yung mga walang pera o mga dukha o ‘yun mga nasa depressed area.

Pero may nakita na ba tayong sumuko mula sa hanay ng middle class, mapepera as in mayaman?!

Wala!

Meron isa, dumiretso pa kay Pangulong Digong (Peter Lim).

Ano na nga ang nangyari sa mga bangkay na walang nag-recover?

Kung anong ingay ang pagpapasuko sa mga adik, napakatahimik naman kung ano ang nangyayari sa mga sumusuko…

Paano sila makarerekober kung pagkatapos nilang sumuko ‘e pauuwiin lang sila sa kani-kanilang bahay at BSDU as in balik-sa-dating-ugali (BSDU).

Butas talaga ang batas sa paglilinis ng ilegal na droga. Kapag mahirap dapat sumuko or else titimbuwag ka… Pero kung ang susuko ay may kuwarta… with special treatment pa!

At bibigyan pa ng options kung saan gustong magpa-rehab.

Anak ng tungaw!

MPD INTELHENSYA GROUP NI KUPITAN
KAILAN KAKALUSIN NI CHIEF PNP?

070316 MPD

MAHIGPIT at puspusan ang paglilinis ng pulisya kontra ilegal na droga sa bansa base sa utos ng Pangulong Duterte at CPNP Gen. Bato Dela Rosa.

Kaya naman kaliwa’t kanan ang hulihan at tumbahan ngayon sa Maynila dahil seryoso ang kampanya ng bagong MPD district director C/Supt. Jigz Coronel laban sa illegal na droga.

Patuloy nilang sinusuyod ang lungga ng mga tulak sa anim na distrito ng Maynila.

Pero may info tayong nakuha, ito palang notoryus na “Intelihensiya group” ng isang Kupitan sa MPD ay may mga kadikit o hawak na untouchable sa kalakal ng shabu sa Maynila.

Isang alias MAY-MAY na bigtime shabu pusher ay nakapagtutulak pa umano ng ‘bato’ sa Quezon, Osmeña, Lacson at Herbosa na malapit pa raw sa haybol ng isang VIP drug lord sa Munti.

Guerilla style daw ang pagtutulak nito ngayon o ‘yung tinatawag na palipat-lipat ng puwesto/kuta sa Sampaloc at Quiapo.

Kahit itanong pa raw sa dalawang tulisan ng Intelihensiya group na sina alias Tata E-SON at Tata KRISTONG?!

Alam na alam ng dalawang ‘yan ang sistema ng droga sa lungsod dahil sa protection money na kinokobra nila.

Kaya’t hanggang nasa bakuran ng MPD ang tropang intelihensiya ni Kupitan ay hindi nakasisiguro si DD Jigz Coronel na 100 percent niyang malilinis ang Maynila sa ilegal na droga!

KAYA BANG KALUSIN NI BI COMMISSIONER
JAIME MORENTE ANG 2 NOTORYUS FIXER SA BI?

071816 immigration fixer

Sa unang linggo ng pag-upo ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente, layunin niyang ipatupad ang pagpapabilis ng system of processing sa airport counters pati na ang processing of documents sa main office.

Nais din daw niyang bigyan ng kaukulang disiplina ang mga tiwaling kawani ng Bureau na nagpapakita ng paglabag sa mga regulasyon at nagmamalabis sa mga polisiya ng opisina.

Pero kung meron man na dapat i-prioritize si Commissioner Morente, ito ang talamak na sabwatan ng ilang empleyado at ‘yung mga tinatawag na notorious fixers diyan sa loob ng Bureau. Ilan sa kanila at dapat immediate na ipatigil, ang dalawang notoryus na fixers na sina alias  BETTY  CHUWAWA  at ANNA SEY na ilang dekada nang nagmamaniobra sa ilang divisions diyan para mapabilis ang takbo ng kanilang transaksiyon kahit kulang at dispalinghado ang kanilang mga dokumento!

Common knowledge sa Bureau kung sino ang mga sikat na Chinese fixers diyan.

‘Yan ‘yung kadalasan ay nagdadala ng mga regalo, pagkain pati na gift certificates lalo na ‘yung gift certificate sa Yellow cab at Vikings diyan sa Mall of Asia!

Dapat din malaman ni Commissioner Morente na hindi lang mga dokumento at visa application/processing ang tinitira ng notorious fixers na ‘yan!

Pati na rin daw ang mga bidding-bidding-an ng office supplies at ilan pang puwedeng pagkakitaan diyan sa Property Section at General Services ay na-penetrate na ng notorious fixers na nakabase lang diyan sa Binondo?!

Sana ngayon sa bagong administrasyon, tuluyan nang masugpo ang karumal-dumal na sistemang ito na hindi kailanman natigil noong panahon ni GMA at Noynoy Aquino!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *