KUNG dati ay sa korte nag-aaway ang mag-amang Reghis Romero at Mikee Romero, ngayon sa media na sila nag-aaway.
Talagang naglalabas ng pondo ang mag-ama para ipamukha sa isa’t isa na sila ang may-ari ng kompanyang pinag-aawayaan nila.
Ang siste, hindi na ito simpleng away-kompanya. Naglalabasan na ang mga nakatatakot na multo sa Pandora’s Box ng mag-amang Romero.
Kung ang mag-ama ay nabiyayaan ng pambihirang dunong sa pagnenegosyo, paano pa silang nagkakaroon ng panahon para sa pag-aaway?!
Wow! What a waste of time and energy.
Sayang, nakapanghihinayang talaga na umaabot na sila ngayon sa sumbatan.

At maging ang mga istoryang matagal nilang pinagtakpan sa media at sa publiko ay naglalabasan na ngayon, at sa paid ad pa nilang mag-ama sa malalaking pahayagan.
Ang P25-milyon ransom sa Abu Sayyaf noong 2001, ang akusasyon sa Smokey Mountain Development and Reclamation Project, at iba pang eskandalo sa mga kompanyang pag-aari nila.
Lahat ngayon ‘yan ay naglalabasan sa advertorial sa malalaking pahayagan.
Tsk tsk tsk…
Akala natin noong araw, pag-ibig lang ang hinahamak ang lahat masunod lamang.
‘Yun pala mas mabagsik ang kuwarta na kayang sumira ng relasyon kahit ng mag-ama.
Kung hindi titigil ang mag-ama sa kanilang away, malamang gumuho rin ang lahat ng kanilang pinaghirapan.
DECONGESTION NG NAIA TERMINALS
INUMPISAHAN NA NI MIAA GM ED MONREAL

HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com