Monday , December 23 2024

Decongestion ng NAIA terminals inumpisahan na ni MIAA GM Ed Monreal

DECONGESTION sa pamamagitan ng mabilis na pagpasok at paglabas ng mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals ang solusyon ni bagong MIAA GM Ed Monreal para maging maaliwalas ang buong installation.

Una, maglalagay umano ng karagdagang upuan ang pamunuan ang Manila International Airport Authority (MIAA) para mabawasan ang mga pasaherong nakasalampak sa baldosa habang naghihintay ng pagbubukas ng check-in counters lalo sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3.

Inutusan na ni GM Monreal si NAIA terminal 3 manager Ric Medalla na dagdagan at lagyan ng upuan o gang chairs ang naturang terminal upang maging komportable at makaupo nang maayos ang mga pasahero lalo ang senior citizens.

Matagal na nga namang idinaraing ng mga pasahero ang kakulangan sa upuan ng terminal kaya agad sinolusyonan ni GM Ed.

Mula rin sa araw na ito, Hulyo 18, papapasukin na rin sa apat na terminal ang lahat ng regular taxi. Basta’t susundin nila ang tamang lugar na babaan at sakayan ng pasahero.

Sa pamamagitan nga naman nito, hindi na kailangan pumila nang napakahaba ang mga pasaherong naghihintay ng taxi sa NAIA terminals.

Magiging mabilis na nga naman ang pagpasok at paglabas ng mga pasahero sa airport.

Tsk tsk tsk…

Sa loob ng anim na taon ay hindi napag-tuunan ng pansin ng dating namumuno sa MIAA ang karaingan ng mga pasahero kaya ‘yan agad ang inaksiyonan ni GM Monreal.

Kudos!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *