Friday , November 22 2024

It’s payback time for Duterte admin

Political accommodation.

Hindi ito mawawala sa bawat bagong administrasyon na mauupo.

Hindi naman natin masisi ang mga politiko. Malaking bagay sa kanila ang suporta ng mga naniniwala sa kanila noong panahon ng kampanya.

Kung ‘yung mga sumuporta, inalok ng posisyon pero tumanggi dahil alam naman niyang hindi siya kuwalipikado, aba, ‘yan ang tapat na supporter.

Walang hinihinging kapalit o pabuya!

Pero ‘yung supporter na inalok ng posisyon at hindi tumanggi kahit alam naman niyang ‘kapos’ siya sa kakayahan, ‘e ano ang tawag diyan?

Gaya ng Facebook post ni Actress Vivian Velez sa kanyang FB account ay sumasang-ayon tayo sa kanyang opinyon.

Kaka Freddie, hindi naman natin minamaliit ang iyong kapasidad, pero ang National Commission for Culture and Arts (NCCA) ay hindi musika ang tanging pinag-uusapan.

Malawak ang scope ng trabaho riyan sa NCCA.

Mas angkop siguro kung sa MTRCB o TESDA mailalagay si Ka Freddie.

O ‘yung siya ang mamamahala sa maraming banda o miyembro ng banda na dating overseas Filipino workers (OFWs). Sila ‘yung OFWs sa entertainment industry na halos ilang dekadang nagpasok ng dolyares sa ating bansa. Pero nang humina na at wala nang maipasok na dolyares ‘e hindi man lang naaalala ng gobyerno kung ano na ang nangyari sa kanila.

Ibig natin sabihin, panahon na para magkaroon ng isang ahensiya na kakalinga sa ‘maliliit’ na musikero.

Sa palagay natin ‘e doon magiging mas epektibo si Ka Freddie.

Pero sa NCCA? I’m sorry but I really doubt!

Hindi kaya malaking sakit ng ulo ‘yan para kay Ka Freddie at baka katakot-takot na pintas, upak at puna ang abutin pa niya riyan?

‘E alam naman natin, hindi ganoon kagaling magtimpla ng kanyang temper, ang ANAK hitmaker, ‘di ba?

Inuulit lang po natin, hindi natin minamaliit si Ka Freddie, pero palagay natin ‘e sa musika at banda siya naaangkop. Sa ganoong linya po siya dapat ilagay.

Kung talagang gusto niyang ‘magsulong’ ng cultural revolution, umpisahan niya sa kanyang sarili sa pamamagitan ng pagsasabing… “Mahal na Pangulo, masyadong malawak ang trabahong ‘yan para sa akin. Mas mabuti siguro kung doon ninyo ako italaga sa sakto lang.”

O ‘di ba?!

That’s the real change!

Subukan pamu, para mabalu, Ka Freddie!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *