Thursday , December 26 2024

Drug test ng gov’t workers isulong

BARIL dito, baril doon mga ‘igan ang ating mga pulis, sa mga ibon ‘este’ tao palang suspek at sangkot sa illegal drugs sa bansa.

Simula pa lamang ito mga ‘igan ng suportadong kampanya ni Digong ng pagbabago, sa pamamagitan ng paglilinis ng krimen, paggamit at pagtutulak ng droga at higit sa lahat, ang  pagpapatalsik sa mga tiwaling opisyal at lingkod-bayan sa kanyang administrasyon.

Ngunit, nakalulungkot mang isipin mga ‘igan, maraming mga nakaaawang inosenteng sibilyan ang nadadamay lamang sa katarantaduhan ng mga animal!

Kung babalikan natin ang ating Konstitusyon, ito’y nagpapahayag na, “Walang Tao ang aalisan ng buhay, kalayaan o ari-arian nang hindi dumaraan sa tamang proseso ng Batas.”

So, paano na kaya ang mga inosenteng sibilyan na binabaril din na parang ibon sa kalawakan?  Paglabag kaya ito sa ating Konstitusyon o may sapat silang dahilan sa pagsasagawa nito?

Maging ang katatapos na drug test sa PNP at AFP, aba’y, “to be fair to everybody,” dapat nang isunod ang mga pasaway na government workers.

Simulan natin sa ibaba!

Tama ka ‘igan, sa Barangay nga. Siguro naman aware tayo na marami na rin nahuhuling barangay chairman at mga barangay kagawad na gumagamit at nagtutulak ng illegal drugs sa kani-kanilang barangay.

Aba aba aba…hindi kayo iniupo d’yan para ipakalat ang ipinagbabawal na gamot at magpayaman! Sinisira ninyo ang magandang kinabukasan ng mga kabataan!

Anyway… ‘ika nga ni Digong, “Bilang na ang mga araw n’yo!”

D’yan sa Plaza Lawton, na pugad umano ng masasamang-loob, kabilang ang isa sa mga barangay ng Maynila, na may pondo rin inilalaan dito ang lungsod ng Maynila.

Pero teka, sino-sino at nasaan ba ang mga residente rito? Meron ba? Aba’y kung wala i–demolish na ‘yan!

Ayon sa aking Pipit, walang botante! At sayang lang ang pondong inilalaan ng Lungsod!

Napupunta lang sa masasamang bulsa! Aba’y idagdag pa ‘igan ang illegal parking.

Sus, dagdag ng aking Pipit, malaki ang kitaan dito! At hindi magalaw-galaw ng mga pulis.

OMG…bakit, magkanong halaga?

MULING PAG-ARANGKADA NI RAMIREZ SA PSC

Welcome back mga ‘igan kay Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez, na dati na rin naging Chairman ng PSC.

Ang pagkakataga sa mamang ‘yan ay hindi na nakabibigla o nakakapagtaka! Isa lang ang dahilan…sapagkat may pinatunayan na at may patutunayan pang muli sa larangan ng sports. At dahil sa naging karanasan mga ‘igan sa sports, gamay na gamay na ni Ka Butch ang sports sa bansa.

Alam na alam na rin n’ya ang kaliwa’t kanan nito, maging ang mga sakit dito…tulad ng corruption sa sports at ilan din katiwalian ng sport leaders. Ang pag-arangkada kaya ni PSC Chairman Ramirez ay tungo rin sa tunay na pagbabago sa Larangan ng sports?

Go go go Bossing…congrats and goodluck!

E-mail Add: [email protected]

Mobile Number: 09055159740

BATO-BATO BALANI –  ni Johnny Balani

About Johnny Balani

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *