Monday , December 23 2024

Ang ‘papogi’ Press Release ni ‘Ulo’ este San Diego

Magpapakalat na raw ng mga traffic enforcers ang Quezon city government sa iba’t ibang lugar sa siyudad tuwing gabi.

Dati ba waley?!

Ito ang sinabi ni QC Department of Public Order and Safety (DPOS) chief Ulo ‘este’ Elmo San Diego matapos iutos sa kanya ni QC Mayor Herbert Bautista bilang tugon sa hangarin ni Pangulong Rodrigo Duterte na maresolba ang problema sa matinding traffic sa Metro Manila lalo sa mga pangunahing lansangan ng lungsod.

Patuloy na nakikipag-ugnayan ang DPOS sa  Metro Manila Development Authority (MMDA) at sa iba pang  government agencies para makatulong na lumuwag ang traffic sa  Metro Manila, sabi ni San Diego.

Magdadagdag pa raw ng 100 traffic enforcers ang DPOS na itatalaga sa major thoroughfares sa QC mula alas 6:00 ng gabi para tulungan ang MMDA enforcers at  PNP Highway Patrol troopers sa pagbabawas ng traffic sa QC lalo tuwing  rush hours.

Well that’s good to hear from you, Mr. San Diego!

Mantakin n’yo ilang beses na natin binubulabog si ulo ‘este’ San Diego sa mga illegal terminal at trapiko sa kanyang teritoryo pero ngayon lang, sa Duterte administration lang pala magigising ang mama?!

Mr. San Diego, kaya ba ninyong walisin ang mga illegal terminal ng mga jeepney sa Elliptical circle mula sa kanto ng Kalayaan Ave., hanggang kanto ng Maharlika street?

Iba-ibang ruta ng jeepneys ang nakaparada riyan at mula naman sa kanto ng Maharlika papunta sa kanto ng PHILCOA (ibang ruta ng jeepneys din ang nakaparada) at ang mga vendor na parang kabute sa bangketa diyan mismo sa harapan ng PNB ay namumutakti hanggang sa Maharlika street?!

Paano na nga rin pala ang kolektong diyan kapag nagawa n’yo ‘yan, Sir?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *