Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Complainant laban sa 2 pulis pinalulutang ng QCPD DIDMD

SUMULAT po sa inyong lingkod ang District Investigation and Detection Management Division (DIDMD) ng Quezon City Police District (QCPD).

Ang liham po, nilagdaan ng kanilang hepe na si C/Insp. Florian Reynado, ay kaugnay ng reklamong naikolum natin dito sa Bulabugin laban sa mga pulis na sina PO3 Jobert Garcia at PO3 Joel Almazan.

‘Yun po ‘yung may inaresto silang suspect umano sa illegal drugs pero tinangka nilang ibangketa at ‘pinadudugo’ ng P3 milyones.

Nakikita naman ng inyong lingkod ang layunin ng QCPD na maging patas sa magkabilang panig.

Pero sabi nga ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, walang tiwala ang malaking porsiyento ng mamamayan sa pulisya at mismong sa kabuuang sistema ng gobyerno.

Kaya nga patuloy ang pagsisikap ng Pangulo at ng kanyang administrasyon na dalhin ang tunay na pagbabago.

At ‘yan po ang ultimong dahilan kung bakit nakiusap ang nagreklamo sa atin na huwag nang ibigay ang pangalan ng kanyang anak at huwag nang humarap sa pag-aanyaya ni C/Insp. Reynado para pormal na ihain ang kanilang reklamo laban sa dalawang pulis.

Unang rason, ayaw na nilang magamit para sa pagpapapogi ng ilang pulis kay Pangulong Digong.

071316 PNP QCPD DIDMD

Ikalawa, hindi nila maramdaman kung magiging maayos pa ba ang kanilang seguridad pagkatapos nilang humarap sa pulisya at sa publiko lalo’t maselang usapin ng illegal na droga ang kinasasangkutan ng kaso.

At ikatlo, nagtataka sila kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa naipapadala sa Mindanao sina POs3 Garcia at Almazan, gayong ang pagkakaalam nila, kasama sila sa yunit na ipinadadala roon ni PNP chief, DG Ronald “Bato” Dela Rosa.

Hindi ba maiimbestigahan ng pulisya ang bawat kagawad ng mga yunit na sangkot sa illegal na droga? Kayo na nga mismo ang nagsabi, malalaking tao, maiimpluwensiya ang sangkot dito, paano papayag ang isang ‘biktima’ na lumutang para maghain ng pormal na reklamo?!

C/Insp. Reynado, pulis din po kayo. Alam ninyo kung paano magtrabaho ang mga ‘Ninja.’

May diskarteng dagdag-bawas sa mga nakokompiskang droga. May diskarteng-eskoba. At may diskarteng hulidap. Huhulihin, kokompiskahin ang item saka kikilan ng pera. Kapag hindi nagbigay ng pitsa, didiinan ang kaso at pahihirapan.

Ang gusto nating sabihin, C/Insp. Reynado, lalabas lang ang mga biktima para tumestigo kung nagawa na ng pulisya na linisin ang kanilang hanay.

Hangga’t hindi nalilinis ng pulisya ang operasyon ng mga ‘Ninja’ sa loob ng PNP lalo na riyan sa QCPD-DAID, walang sibilyan o indibidwal na lalabas dahil alam nila puwedeng sa susunod, sila na ang titimbuwang sa kalye.

Anyway, maraming salamat po sa inyong pagsisikap na resolbahin ang kasong ito.

Gayonman naniniwala ang inyong lingkod na ang ganyang paraan ay hindi pa paborable sa panahon na naglilinis ang gobyernong Duterte.

SUPERBODY KONTRA MEDIA KILLINGS
ISUSULONG NI SEC. MARTIN ANDANAR

Natuwa tayo sa balitang ito, dahil noong panahon na tayo ang presidente ng National Press Club (NPC) noong 2012 ay personal na iminungkahi natin ito kay dating Justice Secretary Leila De Lima.

It was a written proposal with guidelines and mechanics.

Sa proposal ay specific na nakalagay na magkaroon ng apat na kinatawan ang media from established media organization and companies sa lilikhaing superbody.

Ang sabi pa nga ng ex-SOJ: “Ang ganda nito! I will personally recommend this to the President.”

Sa sobrang ganda siguro, ‘e waley at baka inakala lang ni De Lima na panaginip ang lahat, kaya nalimutan na rin niyang irekomenda sa Pangulo?

Ganoon nga kaya ‘yun?

O talagang sa press release lang magaling itong si ex-SOJ Laylay este Leila!?

Ngayon nga ‘e nagpapatawag pa siya ng imbestigasyon sa mga napapatay na tulak sa Senado.

In aid of legislation kaya ‘yan o in aid of grandstanding?

Madam Leila, may SONA pa, huwag kang masyadong magmadali sa pagpapaguwapa…

Ay sus!

RET. GEN. JAIME MORENTE OPISYAL NANG
UMUPO BILANG IMMIGRATION COMMISSIONER

070516 immigration

Last Monday ay pormal nang nag-takeover si retired PNP Gen. Jaime Morente bilang bagong Commissioner sa Bureau of Immigration (BI).

Iyon din ang kanyang unang flag ceremony sa Bureau.

Pero noong 1 Hulyo, araw ng Biyernes, ay isinagawa ang turnover ceremonies sa kanilang dalawa ni outgoing commissioner Ronaldo Geron.

Hindi gaya ni Fred Mison na basta na lang lumayas sa bureau at walang ginawang turnover kay Geron.

Unprofessional ‘di ba?

Ipinakilala rin ni Commissioner Morente ang dalawang tao na kanyang isinama sa Bureau na sina Col. Charles Calima at Col. Jeofrey Tupaz.

Mainit silang tinanggap ng mga taga-Immigration dahil sila ay kinatawan ng administrasyon na naghahangad ng makabuluhang pagbabago.

Pero, napansin din na maraming BI employees ang nagtaas ng kilay at napaismid nang ipakilala si Kernel Tupaz.

Bakit kaya???

Ano kaya ang naalala o karanasan nila tungkol kay Kernel Kupaz ‘este’ Tupaz?

Anyway, ano man ang kanilang naalala, gusto lang natin iparating kay Commissioner Morente na ingat-ingat sa mga lumalapit sa inyo lalo na roon sa mahihilig dumikit.

Mahirap nang makalawit ka nila at maibulid sa patibong.

Good luck po, Commissioner Morente.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *