Friday , November 15 2024

Giyera sa droga gumagrabe

LUBHANG gumagrabe ang giyera ng pulisya laban sa ipinagbaba-wal na droga.

Bukod sa sunod-sunod na may nahuhuling adik ay mahigit 100 na ang napapatay na tulak ng droga, na kung hindi lumaban umano sa pulis ay nang-agaw daw ng baril ng umaarestong opisyal.

Bunga nito ay daan-daang adik at tulak ng shabu ang sumuko sa pulisya, makaiwas lang na mapabilang sa mga napapaslang.

Pinaniniwalaang lumakas ang loob ng mga pulis dahil suportado sila ni President Rodrigo Duterte.

Pinagkatiwalaan si Digong at nanalo sa pagkapangulo dahil sa mga pangako niya, na ang isa ay aalisin ang krimen, droga at katiwalian sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan.

Marami ang natutuwa dahil panahon na raw para ubusin ang mga tulak na nagsisilbing salot sa lipunan sa ginagawa nilang pagpapakalat ng bawal na droga.

Kahit ang Firing Line ay sumusuporta sa mga pulis na nagsisikap na lumaban sa ilegal na droga, kahit na malagay sa panganib ang sarili nilang buhay.

Ngunit ang pitak na ito at may di mabilang na tao ay naalarma sa walang tigil na pagpatay sa mga suspek sa droga. Labag ito sa Konstitus-yon na nagsasabing walang tao ang aalisan ng buhay, kalayaan o ari-arian nang hindi dumaraan sa tamang proseso ng batas. May mga balita na may mga nadadamay na mga inosenteng sibil-yan.

Pero naging grabe man ang giyera laban sa droga at may mga nagtatanong kung bakit wala umanong nahuhuling drug lord, at pawang maliliit na pusher lang ang nahuhuli at napapatay?

Kung ang mismong pinagmumulan ng droga ang mahuhuli ay matitigil ang pagpapakalat ng shabu, basta hihigpitan lang nang husto ang seguridad sa New Bilibid Prison (NBP).

May mga nagdududa tuloy na baka pina-patay lang ang maliliit na tulak upang patahimikin sa pagsisiwalat ng mga nalalaman, kung sino-sino sa mga tiwaling pulis ang sangkot sa ilegal na droga.

Hindi ba’t mismong si Duterte ang nagpahayag na may mga pulis na sangkot sa droga at pinangalanan pa ang limang heneral bilang protektor umano nito?

At ang ikinasasama pa ng loob ng iba ay kung bakit kapag mga kababayan natin na mahihirap at maliliit na tulak ng droga ang target ay namamatay raw sa operasyon?

Samantala kapag dayuhan tulad ng mga Taiwanese na nakatira sa exclusive villages umano ang nahulihan ng bilyon pisong halaga ng shabu, ni kurot ay hindi sila nasasalanta at buhay silang makararating sa kulungan.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

FIRING LINE – Robert B. Roque, Jr.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *