Monday , December 23 2024

Ex-PCOO Chief Sonny Coloma huling-kabit sa overprinting ng tax stamps para sa sigarilyo/alak (Ombudsman decision binastos)

NAGPAALAM na pero hinahabol pa ng asunto.

Mukhang ganito ang kapalaran ni dating PCOO chief, Hermino “Sonny” Coloma Jr., matapos matuklasan ni kasalukuyang PCO chief, Secretary Martin Andanar na mayroong sobra-sobrang imprenta ng tax stamps para sa sigarilyo.

Itinanggi ito ni Kolokoy ‘este’ Coloma pero naniniwala tayo na ang mga tao ni Presidente Rodrigo “Digong” Duterte ay hindi nagsasalita nang walang basehan.

Lalo’t BIR pa mismo ang nagreport kay Secretary Andanar na mayroong over printing ng cigarette/alcohol tax stamps.

Unti-unti na bang lumalabas ang laman ng Pandora’s box ng PNoy administration!?

‘Yan kaya ang dahilan kung bakit hindi ipinatupad ni Kolokoy ‘este’ Coloma ang order ng Ombudsman na i-dismiss sina NPO Director Emmanuel Andaya at lima pang opisyal dahil sa grave misconduct sa pag-iimprenta ng foreign travel clearance forms ng National Bureau of Investigation?

Hindi ipinatupad ni Coloma ang order ng Ombudsman dahil naghain na umano ng motion for reconsideration ang mga sangkot na opisyal.

Ang interpretasyon yata ni Coloma sa batas, habang nakasalang daw ang motion for reconsideration ay maaaaring manatili sa tanggapan ang nasabing NPO officials batay umano sa ilang probisyon ng Republic Act 6770 o ‘yung Ombudsman Act of 1989.

Pero, ayon sa Ombudsman, sinasabi sa Section 27 ng nasabing batas, “…all provisionary orders of the Office of the Ombudsman are immediately effective and executory.”

Sinasabi rin sa Rule III, Section 7 sa Rules of Procedure na: “…while decisions can be appealed, motions for reconsideration are not enough to stop implementation of the order.”

Aray!!!

Mukhang nagkakarugtong-rugtong rason ng mga aksiyon ni Kolokoy ‘este’ Coloma.

Kaya naman pala, maipilit kung maipilit ang kanyang desisyon.

Nadugtungan pa ‘yan ng pagpapa-imprenta ng election materials.

May issue rin na namorsiyento at sumandok nang milyon-milyong piso ang opisinang hawak ni Coloma noon?!

Sonabagan!!!

Ex-Secretary Sonny Kolokoy ‘este’ Coloma, nasa Philippines my Philippines ka pa ba?

Parang naririnig ko ang pamosong hagikhik ni Kolokoy sabay sabi, “Maghabol kayo sa tambol Mayor!”

Paging Madam Ombudsman!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *