Monday , December 23 2024

Positive vibes bet ni Digong sa kanyang adminsitrasyon

TUMAMA na naman tayo.

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) si Vice President Leni Robredo.

Sa pamamagitan ng HUDCC, konkretong maipakikita ni VP Leni ang kanyang layunin na itaas ang mga nasa ‘laylayan’ umano ng lipunan.

Dapat sigurong magpasalamat si Madam Leni sa konsiderasyon na ibinigay ni Pangulong Digong nang alukin siya ng puwesto para pamunuan ang HUDCC sa pamamagitan ni PTV4 Malacañang reporter Ms. Rocky Ignacio.

Itinanong daw kasi ni Ms. Rocky kay presidente Digong kung ano ang posisyon na ibibigay niya kay VP Leni.

Kaya antimano, nang oras na ‘yun, tinawagan ng pangulo si Madam VP saka itinanong kung tatanggapin ba niya ang HUDCC.

Mukhang napalambot ni. Ms. Rocky ang puso ng Pangulo para ikonsidera ang isang posisyon para sa VP.

Katunayan inaanyayahan na rin niya ang VP sa Cabinet meeting.

Agad din tinanggap ng VP ang alok ng Presidente.

Very nice. Very positive approach.

Ngayon ay madali nang mapapatunayan ni Madam VP ang kanyang sinasabing iaangat niya ang mga nasa ‘laylayan.’

Ilang porsiyento kaya ang mabibigyan ng sariling tahanan ni Madam VP sa mga kababayan nating tinatawag niyang nasa ‘laylayan’ ng lipunan?

Madam VP, pasiklaban n’yo naman kami.

By the way, marami po ang pumuri kay Pangulong Digong sa positive vibes na ipinararamdam niya sa buong administrasyon.

Nawa’y mahawa ng positive vibes na ‘yan, ang lahat ng mga kababayan nating matagal nang nakabitin at sinisikap mangunyapit sa ‘laylayang’  sinasabi ni Madam VP.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *