Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Positive vibes bet ni Digong sa kanyang adminsitrasyon

TUMAMA na naman tayo.

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) si Vice President Leni Robredo.

Sa pamamagitan ng HUDCC, konkretong maipakikita ni VP Leni ang kanyang layunin na itaas ang mga nasa ‘laylayan’ umano ng lipunan.

Dapat sigurong magpasalamat si Madam Leni sa konsiderasyon na ibinigay ni Pangulong Digong nang alukin siya ng puwesto para pamunuan ang HUDCC sa pamamagitan ni PTV4 Malacañang reporter Ms. Rocky Ignacio.

Itinanong daw kasi ni Ms. Rocky kay presidente Digong kung ano ang posisyon na ibibigay niya kay VP Leni.

Kaya antimano, nang oras na ‘yun, tinawagan ng pangulo si Madam VP saka itinanong kung tatanggapin ba niya ang HUDCC.

Mukhang napalambot ni. Ms. Rocky ang puso ng Pangulo para ikonsidera ang isang posisyon para sa VP.

070816 duterte robredo HUDCC

Katunayan inaanyayahan na rin niya ang VP sa Cabinet meeting.

Agad din tinanggap ng VP ang alok ng Presidente.

Very nice. Very positive approach.

Ngayon ay madali nang mapapatunayan ni Madam VP ang kanyang sinasabing iaangat niya ang mga nasa ‘laylayan.’

Ilang porsiyento kaya ang mabibigyan ng sariling tahanan ni Madam VP sa mga kababayan nating tinatawag niyang nasa ‘laylayan’ ng lipunan?

Madam VP, pasiklaban n’yo naman kami.

By the way, marami po ang pumuri kay Pangulong Digong sa positive vibes na ipinararamdam niya sa buong administrasyon.

Nawa’y mahawa ng positive vibes na ‘yan, ang lahat ng mga kababayan nating matagal nang nakabitin at sinisikap mangunyapit sa ‘laylayang’  sinasabi ni Madam VP.

BIR COMMISSIONER CESAR DULAY
LILINISIN, WAWALISIN ANG MGA CORRUPT

071116 BIR

Isa tayo sa natuwa sa sinabing ito ni Bureau of Internal Revenues (BIR) Commissioner Cesar Dulay.

Sana lang po kasing tikas kayo ng Pangulo na magpatupad nang ganitong mga pronouncements.

Marami talagang corrupt sa BIR!

At puwedeng umpisahan ni Commissioner Dulay ang paglilinis sa pamamagitan ng lifestyle check sa mga RDO, examiner etc.

Kay yayaman!

Baka magulat pa ang nagpapaimbestigang Commissioner Dulay kapag natuklasan niyang mas mayaman pa sa kanya ang mga empleyado niya.

Ibang klase po ang corruption diyan, dokumento at calculator lang ang gumagana, milyon-milyon na ang kinikita.

At para tahimik, every Friday ay happy ang mga ORBITERO.

Subukan rin ninyong mag-interview ng mga negosyanteng kakilala ninyo at malalaman ninyo na kung sino pa ang nagdedeklara nang tama ay siya nilang ginigipit.

Pero kung sino ang mga mandaraya ay siya nilang pinangangayupapaan.

Piece of advice lang po Commissioner Dulay… ipatupad na po ninyo ang lifestyle check… now na!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *