Monday , December 23 2024
Lawton park illegal parking MMDA HPG LTO LTFRB
Lawton park illegal parking MMDA HPG LTO LTFRB

Naghihintay na ang Plaza Lawton para maibalik ang kanyang ganda, kalinisan, dangal at kabuluhan sa kasaysayan

KUNG makapagsasalita lang ang Plaza Lawton, sa palagay natin ay isa siya sa mga natutuwa ngayong kumikilos na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Highway Patrol Group (HPG), Land Transportation Office (LTO), at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) laban sa mga illegal terminal at kolorum na nag-aanyong UV Express.

Siguro, sasabihin ng Plaza Lawton, “Sa wakas, sa mahabang panahon na ako’y sinalaula ng isang reynang burikak ay maibabalik na ang aking, ganda, kalinisan, dangal at muling maikikintal ang aking kabuluhan sa kasaysayan ng bansa.”

Sa totoo lang, sa buong mundo, malaki ang pagpapahalaga ng bawat mamamayan sa kasaysayan ng mga Kartero at sa gusaling kumakatawan sa kanila.

Bawat kartero ay may mahalagang ginampanan sa kasaysayan ng giyera, pagbangon at pag-unlad ng isang bansa.

Subukan ninyong silipin ang mga gusali ng post office sa iba’t ibang bansa at mararamdaman ninyo kung paano nila pinahahalagahan at iginagalang ang gusaling simbolo ng makasaysayang papel ng mga kartero sa pag-unlad ng isang bansa.

Kaya nga bukod tanging dito sa Filipinas ‘nakaiiyak’ ang hilatsa ng ating Post Office building.

Sa likod ay pinanahanan ng mga street people.

Sa totoo lang, nang minsan nating nakausap ang mga taong naninirahan sa likod ng post office, karamihan sa kanila ay mga natanggal sa trabaho at nang wala nang pang-upa ng bahay ay natulog sa bangketa. (Paging DSWD Secretary Judy Taguiwalo).

Sa harap naman, nandoon ang mga sasakyang illegal na nakaparada gaya ng UV Express, kolorum na vans, provincial buses, kuliglig etc.

Ginawa nang illegal parking, ginawa pang pambansang kubeta!

Sonabagan!!!

Dati kapag gusto ninyong malamigan at medyo madapyohan ng malamg-lamig na hangin, punta lang sa harap ng post office, puwedeng umupo doon at uminom ng kape. Mayroon din malinis na public comfort rooms. Sa halagang P5 donasyon, puwede nang makagamit.

Ngayon, kapag nadaan kayo sa Lawton, masusuka kayo sa bantot at panghi.

Mantakin ninyo, kung gaano karami ang mga sasakyang illegal na naka-park diyan ay higit pa roon ang bilang ng taong ginagawang kasilyas ang buong Lawton. Kahit saan na lang, makikitang dumidyingel ang mga lalaki.

Grabe!

Ganyan na ang kasalaulaang nangyayari sa Lawton. Maging ang barangay na nakasasakop diyan ay maituturing na patay na lukan.

Ngayon nabuyangyang na sa telebisyon ang talamak na illegal parking sa Lawton, ‘yan na kaya ang susunod na lilinisin ng MMDA, HPG, LTO at LTFRB?!

Harinawa!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *