Sunday , December 22 2024

Huwag aksayahin ang pagkain

HINDI maikakaila na nakasanayan na ng mga naglalakihang tindahan, supermarket o restawran na itapon ang pagkain na hindi nabili o malapit nang mag-expire.

Pero alam ba ninyo na ang France ang unang bansa sa mundo na nagbawal sa mga supermarket na itapon ang mga pagkain na hindi naibenta, at sa halip ay ipagkaloob ito sa mga charity o food bank?

Batay sa isang batas na naipasa sa taon kasalukuyan ng senado ng France, hindi na itatabi ng malalaking tindahan ang mga pagkain na malapit nang mag-expire.

Ito ay batay sa kampanya ng mga mamimili, mga grupong kontra sa kahirapan at pag-aaksaya ng pagkain na nagresulta sa petisyon na isinumite ng isang konsehal laban sa pagtatapon ng pagkain.

Naunawaan kasi nang karamihan ang magandang hangarin ng naturang mga grupo kaya sinuportahan ito, lalo na ng kawanggawa at food banks.

Sa ganitong pamamaraan ay madaragdagan pa nang milyon-milyon ang libreng pagkain na ibinibigay ng mga kawanggawa sa bawat taon sa mga tao na hirap na hirap makabili ng sariling makakain.

Bago maipatupad ang batas, ang mga food bank ng France ay tumatanggap ng 100,000 tonelada ng mga abuloy na pagkain. Ang 35,000 tonelada rito ay mula sa mga supermarket.

Kahit ang 15 porsiyentong pagtataas sa pagkain na nagmumula sa mga supermarket ay mangangahulugan ng 10 milyong karagdagang pagkain na maibibigay sa mahihirap taon-taon.

Dahil sa magandang simulain na ipinakita ng France ay nakatakda rin ipasa ng Italy ang batas para gawing donasyon ng mga supermarket ang maaaksayang pagkain sa kawanggawa.

Hindi ba napapanahon para gawin natin ito sa ating bansa, na patuloy na tumataas ang bilang ng mahihirap at walang makain?

Sa halip mauwi sa basurahan ang mga pagkain na hindi na mabibili dahil malapit na ang expiration date, hindi ba mas mabuti na ibigay na lang ito sa kawanggawa upang maipakain sa mahihirap?

Kung gagawin itong kalakaran ay malaking tulong sa mga naghihikahos na hindi alam kung saan kukuha ng makakain sa araw-araw.

Bukod diyan ay makatitiyak pa ang mga mamimili na laging sariwa at hindi pa sira ang pagkain na kanilang binibili sa mga supermarket.

Pero ang tanong ay magagawa kaya ito sa ating bansa na may mga pagkain na iniabuloy ng mga nagmagandang loob na dayuhan para maipamahagi sa mga tinamaan ng trahedya, pero hinayaan lang mabulok ng ilang pabayang opisyal na walang magawang maganda sa kanilang kapwa?

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

FIRING LINE – Robert B. Roque. Jr.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *