Monday , December 23 2024

FOI ipatutupad na ng Palasyo sa Executive Order (Sa wakas matutuloy na rin)

HINDI man legislative, sa wakas ay maipatutupad na rin ang Freedom of Information (FOI) Bill sa pamamagitan ng Executive Order.

Kung magiging seryoso ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapatupad ng FOI, masasabi nating ito’y bentaha pabor sa tuluyang paglilinis niya laban sa scalawags at corruption.

Marami ang naniniwala na ang FOI ay ultimong instrumento para sa transparency ng pamahalaan at upang mabuyangyang sa publiko ang mga tiwaling opisyal ng gobyerno.

Hindi lang ito kalasag ng mga mamamahayag kundi maging ng mga mamamayan na naghahangad ng tunay na pagbabago hindi lang partikular sa pamahalaan kundi maging sa kabuuan ng lipunan.

Hindi naman natin sinasabi na ito na ang solusyon sa kabuuan.

Mas posible kasi na sa pamamagitan ng FOI, mababantayan ng mulat na mamamayan kung paano ipinapatupad ang mga polisiya ng bawat departamento at ahensiya ng gobyerno.

Kasabay nito, kung paano rin ginagasta ang pondo ng gobyerno.

Nakita siguro ng Duterte administration na hindi ito mabilis na maisu-sulong sa Kongreso dahil babangga ang FOI sa interes ng mga politikong may vested interest at hidden agenda sa kanilang pagpasok sa politika.

Kasabay nito, isang Administrative Order ang inihahanda rin para tuldukan ang media killings (Presidential task force on media killings).

Hindi natin alam kung ano ang magiging formula ng Duterte Admin para tuldukan ang media killings.

Pero sabi nga, isang mahusay na pagpapatupad ng peace and order ang susi para pigilan ang ano mang extrajudicial killings hindi lang media killings.

Ang pagpapatupad ng peace and order sabi nga ni Pangulong Duterte ay hindi lang nakabatay sa peace kung hindi ‘yung pagpapatupad ng orderliness.

Sabi nga ng Pangulo, maaaring ‘peaceful’ ang isang lugar dahil sa katangian ng mga naninirahan, kumbaga civilized and urbanized, pero may orderliness ba?!

Siyempre ang genuine na peace and order ay nakasalalay sa pagpapatupad ng batas at sa kredebilidad ng nagpapatupad.

Hindi minsang sinabi ni Pangulong Digong na siya ay abogado at naging fiscal, kaya alam niya kung ano ang hangganan ng kanyang kapangyarihan.

Noong panahon na ang inyong lingkod ay presidente ng National Press Club (NPC), ilang beses tayong nakipag-usap sa dating Secretary of Justice na si Leila De Lima, ganoon din kay dating PCOO chief, Sonny kolokoy ‘este’ Coloma para makipagtulungan kung paano wawakasan ang media killings.

Noong panahon ni Justice Undersecretary Ric Blancaflor ay binuo pa ang Task Force 211 pero mayroon pang Task Force Usig ang PNP.

Pero hindi naipatupad to the extent ang kapangyarihan ng nasabing mga Task Force dahil wala tayong narinig na naresolbang kaso.

At lalong wala tayong nalaman na nahatulan sa mga naganap na pamamaslang.

Kaya isa tayo sa mga umaasa na mayroong ibang formula ang Administrative Order ng Duterte administration laban sa media/extrajudicial killings.

Looking forward Mr. President!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa  0926.899.91.27  o mag-email sa  [email protected] . Para sa mga nakaraang isyu ng  BULABUGIN  please visit  https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *